Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na ang pagbaba ng mga naitatalang bagong bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot ng mataas nang vaccination rate at hindi dahil sa mababang testing rate.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan na nilang bababa ang severe at critical cases ng COVID-19 dahil nasa 72% na ng eligible population ng bansa ang bakunado na ngayon laban sa virus.

“The number of cases are going down. All of the regions have minimal case classification. Positivity rate is all below 5%. So meaning, cases are really declining and we are also saying that it’s all because of the vaccines as well,” aniya sa isang panayam sa telebisyon nitong Martes.

Batay sa pinakahuling tala ng DOH, kabuuang 2,726 bagong kaso ng sakit ang naitala nila mula Marso 21 hanggang 27.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Mas mababa ito ng 24% kumpara noong nakaraang linggo.

Sa mga bagong kaso, wala ring natukoy na severe o kritikal.

“If we look at our testing right now, our laboratories are saying that really, cases or the number of individuals going to them to be tested are declining or being reduced tremendously compared from January to March,” aniya pa, nang matanong kung maaaring dulot ng mababang testing rate ang pagbaba ng mga kaso ng sakit.

“It’s not less testing, cases are declining,” aniya.

Gayunman, kinilala rin ni Vergeire ang posibilidad na may mga taong gumagamit na lamang ng antigen home test kits upang alamin kung positibo sila sa virus o hindi.