Isang nakakagulat na kwento ng isang anime fan ang nagpaantig sa puso ng netizens matapos mag-donate ng cash sa isang municipal building Fujimi City Hall sa Japan na nakapangalan sa isang anime character.

Ayon sa Galaxy Official website, iniulat ng lokal na media na nakita ng staff ng Fujimi City Hall ang isang sobre na naglalaman ng 100,000 yen, o aabot sa 866 dolyar, sa comment box ng municipal building.

Sa labas ng sobre, isinulat ng patron ang katagang, "Pakiusap, gamitin ito para sa ikabubuti ng mga tao."

Ang tanging pangalan na nakasulat sa likod ng sobre ay kay Kyojuro Rengoku, isang kilalang karakter sa anime mula sa sikat na seryeng "Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tampok si Rengoku sa blockbuster na edisyon ng pelikula ng Demon Slayer: Mugen Train kung saan ginampanan niya ang supporting role kasama ang pangunahing cast ng Tanjiro, Inosuke, at Zenitsu.

Minahal siya ng mga tagahanga dahil sa kanyang charismatic aura at isang supportive na personalidad, matapos ituring ang mga "juniors" nito bilang animo'y nakababatang kapatid.

Pinaplano ng lungsod ng Fujimi na gamitin ang pera para sa mga proyektong panlipunang kapakanan, kabilang ang suporta para sa mga matatanda at may kapansanan.

Gayunpaman, hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito. Noong nakaraang taon, isa pang misteryosong benefactor ang nag-donate ng kabuuang 100 mask sa isang nursing school sa ilalim ng pangalang "Inosuke Hashibira."

Matatandaan na ang Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba – Mugen Train Movie ay ang nangungunang anime na pelikula sa Japan, naiuwi din nito ang pamagat ng pinakamataas na kita na anime movie ng 2021 sa buong mundo at sinira ang record ng Spirited Away na humawak ng titulo sa loob ng maraming taon.

Habang ang Spirited Away ay inilabas noong 2001, ang mahabang rekord ay nasira pagkatapos ng dalawang dekada.

Sa ngayon, ang Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba – Mugen Train ay nakakuha ng 503 milyong dolyar sa buong mundo na may higit sa 41 milyong tiket na naibenta.