Maraming pinagpiliang pangalan ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff bago napili ang “Dahlia.”
Sa panayam ni Boy Abunda kay Kapamilya Star Anne Curtis, ibinahagi nito ang dahilan sa likod ng pangalan ni Baby Dahlia.
“Aside from it being such a beautiful flower, it being hardworking--that’s what it means, that’s what it represents—my first ever role in the industry of entertainment was in the film “Magic Kingdom” and my character’s name was Dahlia," paglalahad ni Anne sa isang episode ng For Your Entertainment nitong Lunes.
“Erwan and I were really thinking of different names,” ani Anne at sinabing sa huli ay pangalang “Dahlia” talaga ang tumatak sa kanilang mag-asawa.
Sa parehong panayam, ikinuwento rin ni Anne na talagang naging challenging ang kanyang unang sabak sa motherhood journey dahil na rin sa pandemya.
Ilang mga plano niya para kay Dahlia ang hindi niya rin nagawa dahil sa matinding restriksyon.
“Maraming naging bago,” ani Anne.
Gayunpaman, nagpapasalamat din ang aktres na naging oportunidad ang sitwasyon upang magkaroon siya ng quality time kasama ang pamilya na dati’y ay hindi niya inakalang magagawa niya.
Kilala si Ann Curtis bilang isa sa mga sought-after actresses sa pelikulang Pilipino kaya’t bago ang pangbubuntis kay Dahlia at ang pagputok ng pandemya, talagang “workaholic” kung ilarawan nito ang kanyang sarili.
Looking forward naman ang aktres sa muli niyang pagbabalik sa showbiz industry ngayong taon.