Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na wala ni isang kaso ng Covid-19 ang natukoy sa lungsod sa nakalipas na apat na araw, isang malaking tagumpay para sa dating coronavirus hotspot.

Sa isang ulat kay Rubiano, sinabi ng Ciy Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na walang kaso ng Covid-19 ang natukoy sa nakalipas na 96 na oras.

Sinabi ni Rubiano na iniulat din ng City Health Office at ng Pasay City General Hospital (PCGH) na walang pasyenteng na-admit sa lahat ng isolation facility nito sa loob ng ospital at sa MOA complex.

Iniugnay ng alkalde ang pagbaba ng bilang ng mga kaso sa pinaigting na kampanya ng pagbabakuna ng lungsod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Marso 26, nakapag-inoculate na ang pamahalaang lungsod ng mga 753,112 katao.

“We have to remember that there are a number of non-Pasay residents who are working in the city. We have to vaccinate them so that they can work here,” sabi ng alkalde.

Itinuro din ni Rubiano ang mahigpit na pagpapatupad ng lungsod ng EMI habit (E-Ensure to always wash your hands; M- Mask is a must; and I- Implement physical distancing) sa lahat ng barangay bilang bahagi ng tagumpay sa paglaban sa Covid- 19.

Nagpasalamat din siya sa mga opisyal ng barangay gayundin sa mga may-ari ng negosyo sa pagpapatupad ng health protocols.

Ang Pasay, kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga transport hub tulad ng mga paliparan, bus terminal, at light railway transit, ay minsang itinuring na lungsod na may pinakamataas na kaso ng Covid sa Metro Manila noong nakaraang taon.

Jean Fernando