Malaki ang posibilidad na masasayang lamang aang milyun-milyong pisong halaga ng bakuna kung hindi gagawa ng paraan ang mga ahensya ng pamahalaan upang mahikayat ang taumbayan na magpaturok.
Nanawagan din si Senator Francis Tolentino sa mga local government units, Department of Health (DoH) at Inter-Agency Task Forceon Infectious Diseases (IATF) na lumiklha ng paraan paramaeengganyo ang taumbayan na magpabakuna dahil sa ngayon ay 65.5 milyon pa lamang ang may bakuna at 11.7 milyon pa lang ang nabigyan ng booster shots.
Aniya, masyadong maluwag na kasi ngayon dahil hindi na tinitingan mgavaccine card, ipinaiiral na rin ang face-t-face classes at maari na ring maglaro ngcontact sports,katulad ng basketkball at volleyball.
Idinagdag paniya na sana paigtingin pa ng gobyerno ang kampanya lalo na sa mgapublic terminals at mga lugar na maaaring magsagawa ng pagbabakuna para na rin sa kanilang proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).