Gumawa ng kasaysayan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na i-deploy at pahintulutan nang bumiyahe ang kauna-unahang four-car train set sa linya nito, ngayong Lunes, Marso 28.

Ang pagbiyahe ng naturang tren ay itinaon ng MRT-3 sa unang araw ng implementasyon ng month-long free ride program nito ngayong Marso 28, na magtatagal hanggang sa Abril 30.

Matatandaang dati ay three-car train set lang ang pinabibiyahe ng MRT-3 sa kanilang mga linya.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang naturang four-car train sets ay mag-o-operate tuwing peak hours sa umaga at hapon kung weekdays o mula Lunes hanggang Biyernes.Kaya nitong magsakay ng hanggang 1,576 pasahero.

National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

“MRT-3 made history again after it [successfully] deployed a 4-car CKD train set on its revenue line for the first time ever today, 28 March 2022, at the opening of the line’s month-long FREE RIDE program,” anang MRT-3.

Sinabi naman ni MRT-3 officer in charge General Manager Michael Capati na sa ngayon ay kaya na ng rail line na mag-deploy ng mula 18 hanggang 22 tren sa panahon ng peak hours mula sa dating 10 hanggang 15 train sets bago ang rehabilitasyon nito.

Bukod sa mas marami, mas malamig at mas mabilis rin aniya ang kanilang mga tren sa ngayon.

“Today, passengers enjoy cooler, aside from faster MRT-3 rides as all train cars have also been installed with new and 100% functioning air conditioning units,” pahayag pa nito.

Matatandaang nagdesisyon sina Pang. Rodrigo Duterte at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magpatupad ng isang buwang libreng sakay para sa mga parokyano ng MRT-3 matapos na makumpleto na ang rehabilitation project ng rail line.

“The FREE RIDE program of MRT-3 is launched with this objective of showcasing the improved services of the rail line, in order to gain back the public confidence in our mass transportation system,” dagdag pa ng MRT-3.