Kahit na lantaran ang pagsuporta ni Tingog partylist candidate at Kapamilya star Karla Estrada sa UniTeam, hindi naman niya pinalagpas ang isang netizen na tagasuporta ng ibang partido, matapos nitong 'bastusin' si presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi ni Karla ang screengrab ng isang chat kung saan ginawang biro at katatawanan si VP Leni.

"No to bastusan please!" saad ni Karla.

"Walang katuturan ang ginagawa n'yo! Hindi makatao! Nakakasulasok! Hindi ka makakatulong sa kandidato mo pag ganyan na pambabastos na pamamaraan!" saad sa caption ni Karla.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Screengrab mula sa FB/Karla Estrada

Screengrab mula sa FB/Karla Estrada

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Hindi ako maka-VP Leni pero sana naman i-RESPETO natin siya bilang isang babae, ina, at bilang tao. Kung sino 'yong nasa puso n'yo na gusto iboto isulat n'yo na lang ngayong darating na halalan. WALA NA SANANG BASTUSAN SA KAPWA NATIN PILIPINO."

"Ito po ang nangyayari sa atin ngayon at nakakalungkot po isipin na imbes magkaisa tayong mga Pilipino, mas nangingibabaw yung pagiging diehard ng mga tao sa kanilang kandidato."

"Mapapamura ka na lang sa kabastusan at kagaspangan ng ugali ng taong gumawa niyan, nakakaawa ka kung sino ka man napakaganda ng ugali mo na itinuro sa'yo ng mga mga magulang mo… gabayan ka na lang sana ng Panginoon kawalang modo mo!!!! Respeto na lang bilang Vice President natin sa kasalukuyan."

Sa kabilang banda, sinita rin at hindi naman nagustuhan ni Karla ang pangungutya ng ilang mga tagasuporta ni VP Leni sa isang BBM supporter na bulag ang isang mata.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/karla-inupakan-ang-nang-okray-sa-isang-pwd-na-maka-bbm-na-back-to-you-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/03/26/karla-inupakan-ang-nang-okray-sa-isang-pwd-na-maka-bbm-na-back-to-you-ng-mga-netizen/

Nagbigay na rin ng pahayag at reaksyon ang naturang PWD na BBM supporter sa kaniyang social media account.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/bbm-supporter-na-bulag-ang-isang-mata-umalma-sa-pangungutya-mula-sa-ilang-mga-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/03/28/bbm-supporter-na-bulag-ang-isang-mata-umalma-sa-pangungutya-mula-sa-ilang-mga-kakampink/