CARMEN, North Cotabato—Nananatiling tapat si Vice presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ngunit nagpapasalamat naman siya sa suportang nakukuha sa “RoSa” movement.
Ang kilusang RoSa ay ang pagtatambal ng kandidato sa pagkapangulo at opposition leader na si Vice President Leni Robredo at Mayor Duterte.
“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga kaibigan at supporters sa suporta nila sa aking candidacy, and I continue to call on everyone na suportahan ang UniTeam ni Bongbong Marcos and I continue to respect the choices that are made by my friends and supporters,” ani Duterte nitong Lunes, Marso 28 sa mga tagasuporta sa isang rally sa Carmen Municipal Hall dito.
Maraming pulitiko ang hayagang nag-endorso sa RoSa tandem.
Binigyang-diin pa niya ang layunin ng kanyang partido na pag-isahin ang mga Pilipino sa gitna ng kanilang patuloy na kampanya sa buong bansa.
“Ang UniTeam, we continue to campaign sa lahat ng areas ng ating bansa,” aniya.
Inulit din niya sa mga mamamahayag ang kanyang birthday wish para sa kanyang ama, si Pangulong Duterte, na una niyang inihayag noong isang linggo bago.
“Happy birthday president Duterte I wish you good health and happiness,” pagwawakas niya.
Sina Mayor Duterte at Marcos ang bumubuo sa UniTeam duo.
Seth Cabanban