Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba na sa 389 ang daily average cases ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong nakaraang linggo.

Binanggit ng DOH, ito’y mas mababa ng 24% kumpara sa naitala noong nakaraang linggo.

Sa datos ng DOH na inilabas nitong Lunes, mula Marso 21 hanggang 27 ay nasa 2,726 bagong kaso ng Covid-19 na lamang ang kanilang naitala.

Wala ring bagong naitalang kaso ng severe at critical case ng virus.

National

Mayor Baste, 'di totoong aarestuhin ng 40 pulis sa Davao

Hanggang noong Marso 27 naman, nasa 758 na lamang ang kabuuang kaso ng severe at critical cases ng COVID-19 sa bansa na naka-admit sa mga pagamutan.

Nakapagtala naman ang ahensya ng 752 bagong nasawi dahil sa virus noong nakaraang linggo.