Usap-usapan ngayon ang isang netizen na 'person with disabilities' o PWD na may kapansanan sa mata matapos umano itong kutyain ng ilang mga 'Kakampink' o tagasuporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, sa social media.

Ang naturang netizen umano ay si John Paul Pabalan, isang PWD dahil bulag ang kanyang isang mata. Nagpakita siya ng pagsuporta kay presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. o BBM. May hawak siyang karatula na EDSA No More. 'Bring Back Marcos' BBM pa rin at nakataas ang kaniyang kanang kamao. May hashtag ito na #MarcosLangAngKasmala.

Matatandaang una na ritong pumalag si Tingog partylist candidate at Kapamilya star Karla Estrada, na tagasuporta rin ng UniTeam.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/26/karla-inupakan-ang-nang-okray-sa-isang-pwd-na-maka-bbm-na-back-to-you-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/03/26/karla-inupakan-ang-nang-okray-sa-isang-pwd-na-maka-bbm-na-back-to-you-ng-mga-netizen/

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa mga screengrabs na kumalat sa social media, makikita kung paano umano laitin ng ilang mga netizen si Pabalan. Iniugnay sa literal na bulag na isang mata ang pagkabulag umano nito sa kandidatong napisil na suportahan.

Narito ang ilan sa mga pangungutyang natanggap niya:

"One eyed no more, bring back my other eye."

"Bulag sa katotohanan no probs nandito kami para imulat kayo sa katotohanan at ipaglaban."

"Ganito ba yung bulag sa katotohanan?"

"Kalahating bulag sa katotohanan."

"Literal na bulag sa katotohanan."

Screengrab mula sa FB

Screengrab mula sa FB

May be an image of 1 person and text
Screengrab mula sa FB

Samantala, ibinahagi naman sa Facebook page na 'BBM Youth Advocate' ang umano'y pahayag ni Pabalan tungkol sa mga kritisismong natatanggap niya.

"Hayaan n'yo na lang po sila hindi na nating mababago ang kanilang asal. Nagpapasalamat po tayo at maswerte na rin kasi may magulang tayong tinuruan tayo ng magandang asal, paggalang at respeto sa pananaw at paniniwala ng ibang tao. Magkaiba man ang ating pananaw at paniniwala sa ating iboboto ang mahalaga wala tayong sinasaktan na tao kung edukado man ito o hindi at inaapakang tao kaibigan man natin o hindi. Marunong tayong gumalang at umunawa," ayon umano sa kaniya. Nakalagay pa sa isang quote card ang kaniyang mga pahayag.

Larawan mula sa FB/BBM Youth Advocate

Sa kaniyang mahabang Facebook post noong Marso 24, 2022, sinabi ni Pabalan na nasa maayos siyang kalagayan at walang dapat ipag-alala ang mga tao sa kaniya. Noong Pebrero pa pala ang trending

"Ayos lang po ako. Matagal na po akong naka-move on diyaan sa post na 'yan. February 2021 pa po yan ng mai-post at nag-trending din. Noong panahon na 'yan ay sobra nagulat at naiyak sa mga pinagsasabi nila sa comment section sa aking kapansanan at sa puntong iyon ay naiyak ako tuwing gabi," aniya.

"Paano na lang kung mababasa ng pamilya ko, kaibigan at mga kakilala ko ang mga pinagsasabi nila ay baka madamay sila sa kalungkutan ko at mabash din sila .kaya naman Hindi ako nagbukas ng social media Acc ko pati din ang pagiging vlogger ko ay binago ang content ko to Marcos History to Music and cooking vlog."

"Hirap na hirap akong ipakita sa mga pamilya ko na ok lang ako masaya pero. Deep inside sobra akong durog na durog na akala ko ay tanggap na dito sa bansa ang mga PWD at pantay-pantay ang tingin nila sa amin sa normal na tao dahil sa paggawa ng batas sa aming person with disabilities. Nadepress ako nung taon na yung hindi makatulog nang ayos at iiyak na lang bigla at hindi makagalaw o makakilos ng ayos ba punain ka ng tao at pagtawanan dahil sa kalagayan ko."

"Pero sinubukan kong magsimula ulit at wag pansinin ang lahat ng pangbabash nila. Ay naging ayos na ako hanggang ngayon at nang muli ito nagtrending ay baliwala na ito sakin at dinaan na lang sa tawa dahil alam kong may magulang ako at pamilya na tinuruan akong ng maganda asal, respeto sa kapwa at paggalang sa pananawa ng ibang tao," aniya.

Screengrab mula sa FB/John Paul Pabalan

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Ako ay isang certified Kakampink, kaya nananawagan ako sa mga kapwa ko supporters ng Leni-Kiko tandem na huwag naman tayo below the belt kung manita, kasi sina Leni-Kiko ang direktang naaapektuhan sa mga behavior natin na ganyan."

"Ironic how these Kakampinks claim that they are 'well-educated, well-mannered, intelligent' but behave the other way round. Oops!"

"John Paul, I am one with you. I admire and appreciate the kind of character you possess. Mas mapang unawa at may puso ka pa kaysa sa amin na kumpleto at malakas ang pangangatawan. May God Bless you and give you a longer life to inspire people."

"Brilliant message, kudos to you young boy. God bless you…"

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng Leni-Kiko tandem tungkol dito.