Nagpadala na ng Disaster Risk Reduction (DRR) ground team at mga volunteer si Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Marso 27 upang pamunuan ang kanyang relief operations sa Batangas, kung saan itinaas ang Alert Level 3 dahil sa pag-a-alburoto ng Bulkang Taal.

Nag-tweet ang Bise Presidente ng kanyang pasasalamat sa team on the ground at sa Robredo People’s Council (RPC), na nakiisa rin sa relief operations.

Larawan mula VP Leni Robredo via Twitter

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Thank you to our DRR ground team and RPC volunteers who have been doing relief operations in Batangas,” aniya.

Ayon kay Robredo, namahagi na sila ng mainit na pagkain, bottled water, relief packs at N95 face masks sa mga evacuation centers.

Ipinakita rin ng Facebook group na Agoncillians for Leni at Kiko ang mga larawan ng isang trak na nagdadala ng mga relief goods mula sa Office of the Vice President (OVP).

Ang mga bakwit ay mula sa mga barangay ng Bilibinwang at Banyaga sa munisipalidad ng Agoncillo at Boso-boso, Gulod at silangang Bugaan East sa Laurel, Batangas.

Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay naglabas ng babala dahil sa "pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng mas malakas na pagsabog."

Naitala ng Phivolcs ang dalawa sa mga naturang kaganapan nitong Linggo ng umaga at 14 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras, kabilang ang 10 volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto at apat na low-frequency volcanic quakes.

Raymund Antonio