Mahigit na sa 1,000 pamilya ang inilikas bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Ito ang pahayag ngBatangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Linggo ng hapon.

Paliwanag ng PDRRMO, ang 1,033 pamilya na katumbas ng 3,493 residente ay mula saAgoncillo at Laurel, Batangas na sakop ng 7-kilometer permanent danger zone.

Sinabi ng PDRRMO na marami pa rin ang nagpupumilit na mananatili sa kanilang dahil sa kani-kanilang negosyo.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Binanggit na pabalik-balik pa rin sa lugar ang mga residente upang bantayan ang kanilang fish cage, gayunman, bumabalik pa rin ang mga ito sa kanilang evacuation site kinagabihan.

Ikinatwiran ng mga ito, hindi nila puwedeng pabayaan ang kanilang palaisdaan dahil milyun-milyong piso umano ang malulugi sa mga ito.

Kaugnay nito, pinaigting din ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa Taal Lake upang hindi makapasok ang mga turista dahil sa panganib ng bulkan.