Hindi napigilang ibahagi ng social media personality na si Mark Averilla a.k.a. Macoy Dubs ang pagka-imbyerna niya sa ilang mga mga nagpapadala ng text o chat messages sa kaniya na walang kaabog-abog, biglaan, at wala naman daw konteksto o hindi na nagfollow-up kung tungkol ba saan ang nais sabihin.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Marso 26, hindi ito nakakatuwa at nakakadagdag lamang sa anxiety o iba pang mga negatibong emosyon o pakiramdam. Kapag ganito raw, pinipili na lang niyang huwag replayan o kaya seen zone na lang. Para naman daw kasing hulaan ang nangyayari. Kaloka, 'di ba?

"No, I won’t answer your message because trip ko mag-seen anez or hindi ko trip mag reply sa’yo.. but because walang context yung mga texts n'yo at para bang hulaan portion tayo sa Pera o Bayong," ayon kay Macoy, na sumikat sa kaniyang mga dubsmash sa social media, lalo na ang kaniyang karakter na si 'Aunt Julie'.

Panawagan niya, sana raw ay ihinto na ang mga ganitong linyahan at diretsuhin kaagad kung ano ang nais sabihin. 2022 na raw kaya bagu-baguhin na raw sana ang mga ganito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"The anxiety of these kinds of messages are real and you’re not helping. Stop this kind of practice. This is not being selfish. Please grow up. 2022 na mumsh," aniya.

Screengrab mula sa FB/Macoy Dubs

Inilakip ni Macoy ang screengrab ng mga halimbawang mensaheng natatanggap niya na ikinabubuwisit niya. Karamihan sa mga ito ay:

"Hi macoyski"

"Mamiiii… Mamsh hello may tanong ako"

"Hi Macoy!"

"Mamicoyyyy halu! Holabels ma"

"Hi beeeee"

May be an image of text
Screengrab mula sa FB/Macoy Dubs

Screengrab mula sa FB/Macoy Dubs

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen na tila naka-relate kay Macoy.

"Pwede naman kasi sabihin na agad kung anong pakay 'di ba? Normalize being direct to the point and not wasting time."

"Kapag importante na sa'yo yung oras, you'll realize how much time is being wasted pag ganyan ang messages hehe. Not to offend, but it's time to normalize saying what you want to say by sending it all in one message."

"Samedt! I don’t usually reply din if ganito lang yung messages. Nakaka-trigger ng anxiety."

"Kapag may ime-message akong alam kong sabog ang inbox, I go straight to the point thinking anong pwede sa first line of message pa lang na mapapansin at tingin niyang dapat niyang sagutin. HAHA. Ayun lang, guys. Let's avoid yung ganyan, 'wag tayo mag-cause ng anxiety sa iba. Kasi ako, hindi rin ako makapagtrabaho minsan kapag may ganyang messages taposs hindi rin sasagot agad kapag tinanong mo ano kailangan."

"Ganito sinasabi ko sa mga kaibigan ko. Minsan natatawanan pa ako kasi ang OA. Pero sa totoo lang bumibigat talaga pakiramdam ko kapag nakakabasa ng messages na hindi buo."

Relate-much ka rin ba?