Nakapanayam ni showbiz columnist Ogie Diaz sa kaniyang vlog na 'Ogie Diaz Inspires' si re-electionist at kasalukuyang Quezon City mayor Joy Belmonte ng isang panayam si showbiz columnist Ogie Diaz, nitong Biyernes, Marso 25.

Bungad kaagad sa vlog, ang naging isyu nila sa isa't isa noong 2020 kung saan isa si Ogie sa mga naglabas ng negatibong reaksyon at pamumuna sa naging paraan ng pagsagot ni Mayor Joy sa mga detractors niya, sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/26/qc-mayor-joy-belmonte-ogie-diaz-nagkaharap-galit-ka-sa-akin/">https://balita.net.ph/2022/03/26/qc-mayor-joy-belmonte-ogie-diaz-nagkaharap-galit-ka-sa-akin/

Kaya tanong ni Ogie kay Mayora sa pagsisimula ng vlog, "Mayor, nagalit ka sa akin noong una?"

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Ikaw ang galit sa akin," nakangiti namang sey ni Mayora Joy. "

"Ay, ako ba galit sa 'yo," natatawang sabi ni Ogie hanggang sa nagkatawanan na sila.

"Ikaw ang galit sa akin, kasi I thing noong time na nagsimula yung pandemya, 'di ba maraming galit sa akin? Isa ka 'doon," diretsahang sabi ng alkalde.

Natawa naman nang malakas si Ogie. Nagkaayos pala sila nang minsang magkita sila sa isang event at lapitan ni Mayora Joy si Ogie sabay sabing "Ogie, 'wag ka na magalit sa akin ha, bati na tayo."

Sa aktong ipinakita raw ng alkalde ay nakalimutan nitong mayor siya dahil sa pagpapakumbaba nito sa kaniya. Ang ibang mayor daw kasi, sila ang kailangang lapitan kung nais makipag-ayos. Hiyang-hiya raw si Ogie dahil ang alkalde pa raw ang lumapit sa kaniya para makipagbati.

Maluwag naman daw na tinanggap ni Mayor Belmonte ang kritisismo ni Ogie, bilang constituent ito sa Quezon City.

"Ikaw ay constituent ko, hindi ka naging masaya sa paglilingkod ko. Sorry 'di ba?" saad ng alkalde. "Natuwa naman ako kasi sabi mo kalimutan na lang."

"Mas natuwa ako, kasi ikaw yung nagri-reach out. Ganoon ka ba?" tanong ni Ogie.

Nakuha raw niya ang kababaang-loob at iba pang values sa kaniyang amang si dating QC mayor Sonny Belmonte. At dito na nagsimulang ilahad ng mayora ang kaniyang estilo ng pamamahala.

"Yeah, that's one of my traits na meron talaga ako. Magaling akong makinig. Participative 'yung style of governance ko. So kailangan, 'yung agenda natin, 'yung ginagawa natin, nanggagaling sa tao," paliwanag ng mayora.

Isa rin daw sa mga kailangang dapat na maging trait ng bawat leader ay pagkakaroon ng kababaang-loob. Ang kababaang-loob daw ay pagtanggap sa pagkakamali, pag-amin, at unang paghingi ng tawad sa tao.

"Akala natin na kapag nasa posisyon, mataas, hindi naaabot, hindi nakakausap, kailangan lagi silang tama. Tingin ko mali 'yun, old-fashion na iyon, tradisyunal na 'yon… progressive leadership dapat… dapat servant leader ka."

Nabanggit din ng mayora na hangga't maaari daw ay lumayo na siya sa anino ng kaniyang amang si dating QC mayor Sonny Belmonte. Bumuo raw siya ng sarili niyang adbolkasiya at estilo, subalit kung may kinopya man daw siya sa mga magulang, ito ay ang magagandang values na itinuro sa kaniya. Maganda raw na may sarili siyang identity o estilo sa pamumuno.

Itinuro daw sa kaniya ng mga magulang ang pagiging compassionate, fairness, at work ethics.

Isa pa, napansin daw niya na iba ang tingin ng mga tao sa babaeng leader sa lalaking leader kaya kailangang todo-effort upang makuha ang respeto ng mga mamamayan.

"Iba rin 'yung mahalaga sa lalaki, iba 'yung mahalaga sa babae, minsan pag babaeng leader ka, iba kasi mas kailangan mo mag-go the distance para respetuhin ka ng mga tao," dagdag pa ng mayora. "Iyon ang napansin ko kumpara kung lalaking leader ka, kasi sanay ang tao sa mga lalaking leader.

Ang personal na advocacies niya ay karapatan ng kababaihan at kabataan, gayundin ng marginalized sector.