Hindi pinalagpas ng Kapamilya TV host na si Momshie Melai Cantiveros ang pagmumura, panlalait, at pagbabanta ng isang basher sa kaniya, na nagkomento sa kaniyang vlog.

Isang certified Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem si Melai, at sa katunayan ay naging host na rin ng mga sortie nito, kasama ang kapwa momshie na si Jolina Magdangal. Si Karla Estrada naman, UniTeam ang ineendorso.

"Nananawagan po ako kung nasaan ang taong ito nang masampahan ng nararapat legal na aksyon, paki-PM po ako, maraming salamat, matigil na ang mga panghaharass na ito, at para sa 'yo na nasa picture na 'yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN," nanggagalaiting panawagan ni Melai.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Screengrab mula sa IG/Malei Cantiveros

Naka-tag rin ang kaniyang IG post sa mga 'lawyers for Leni'.

Kalakip ng IG post na ito ang screengrab ng mga komento sa kaniya ng naturang pinahahanap na basher, na nagbanta sa kaniya at sa kaniyang mga anak.

“SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA," saad ng basher.

“BOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI. ISA ITONG MAGNANAKAW. ISA ITONG PTA NG LIPUNAN. ANO PANGIT??? NAGMAMALINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo. ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS KAHIT KASAMA MO MGA ANAK MO PT**G Ina KANG PANGIT KA."

"Mamatay na sana mga anak mo, isusumpa ko 'yan," hirit pa nito.

Sa isa pang screengrab, sinabi ng basher na may masamang mangyayari sa kanilang mga anak ng mister na si Jason Francisco.

"MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW… SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT. MAGNANAKAW SI MARCOS? NANAY MO ANG MAGNANAKAW, GAGA."

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

Screengrab mula sa IG/Melai Cantiveros

May mga netizen na nagpayo kay Melai na ipa-blotter na kaagad ang naturang netizen.

Samantala, hindi ito ang unang beses na may sinitang netizen si Melai at binantaang idedemanda dahil sa pagkanti, panlalait at pandadamay sa kaniyang mga anak.

Tungkol naman ito sa isang tagasuporta ng Kapamilya actress na si Francine Diaz kung saan 'shini-ship' o pinu-push daw ni Melai ang tambalang Kyle Echarri at Chie Filomeno.

"Epal mo din eh ano. Wag mo i-ship si Kyle kay Chie, anak mo nga ang pangit," sabi ng basher.

"Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa NBI (National Bureau of Investigation) ang account mo, mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko," pagbabanta ni Melai sa kaniyang Instagram post.

"Ako sabihan mo ok lang 'wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit mag-deactivate ka, alam ko fan ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita."

Noong Pebrero 4, sa pinakabagong update ni Melai tungkol dito, ibinahagi niya na nagkausap na sila ng basher. Ibinahagi niya ang screenshots ng kanilang pag-uusap. Mukhang pinatawad na niya ito. Tinawag niya itong 'basher serye'.

"Ito na nga closure ng basher serye ng hapon ko ngayon, nag-reach out naman siya at marami sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nag-comment no'n, pero syempre sino ba ako para di mapakinggan ang side niya at di siya mapatawad, hayan maging lesson 'yan na 'wag basta magpadala sa feelings tapos pipindot na lang na di inaalam kung may mahe-hurt ka ba na damdamin, matuto tayo rumespeto ng tao," ani Momshie Melai.

"Respeto is the key para sa matiwasay na buhay, kung di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo, and let's mind our own business, at last magpatawad at magmahalan."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/basher-serye-itutuloy-ba-ni-melai-ang-demanda-sa-nang-okray-sa-anak-niya/">https://balita.net.ph/2022/02/05/basher-serye-itutuloy-ba-ni-melai-ang-demanda-sa-nang-okray-sa-anak-niya/

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang update mula kay Melai kung natunton na ba niya ang pinaghahanap na basher, at tuloy ba ang demandang ihahain niya laban dito.