Iginiit ng kampo ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Sabado na nakabinbin pa sa korte ang usapin sa₱203bilyong estate tax ng pamilya nito.

Paglalahad ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, may kinalaman lamang umano sa pulitika ang usapin.

"Our rivals are misdirecting everyone by claiming that the case has attained finality when the truth of the matter is, it is still pending in court and the ownership of the properties in litigation has yet to be settled," katwiran ni Rodriguez.

Kinontra naman ito ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at sinabing "final and executory" na ang desisyon ng Korte Suprema noong 1997 kung saan pinagtibay ang ruling ng Court of Appeals kaugnay ng estate tax ng pamilya Marcos na umabot ng₱23 bilyon.

Aniya, lumaki nang lumaki ang utang na buwis ng pamilya Marcos hanggang sa umabot sa₱203 dahil kasama na ang interest nito.

Pinatagal na lamang aniya ng pamilya Marcos ang usapin sa hukuman, kabilang na ang paghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema kahit hindi na ito pinapayagan ng batas.

Matatandang kinumpirma ngBureau of Internal Revenue (BIR) na nagpadala na sila ng written demand sa pamilya Marcos upang singilin ang naturang buwis.