Ang mangrove site sa Siargao Island na pinadapa ng bagyong “Odette” noong nakaraang taon ay nakatakdang sumailalim sa rehabilitasyon matapos na maglaan ng hindi bababa sa P10 milyon para sa restoration nito ang isang non-government foundation.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang 143-ektaryang mangrove site ay sasailalim sa tatlong taong post-rehabilitation restoration at rehabilitation simula ngayong taon.

Ang restoration at rehabilitation ay esensya ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ni DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna at Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. (JVOFI) president Reinaldo A. Bautista Jr.

Ang pinagtutuunan ng pansin ng mga rehabilitasyon ay ang mangrove sites sa mga munisipalidad ng Del Carmen, Dapa, General Luna, San Benito, at Socorro, lahat sa Surigao del Norte.

Tourism

ALAMIN: Mga puwedeng pasyalan sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

Ang Isla ng Siargao ay tahanan ng daan-daang species ng flora at fauna, na may mataas na diversity ng mangrove forests, na bumubuo sa 19 sa 54 na kilalang species ng bakawan sa mundo.

Pagtutuunan ng pansin ng mga rehabilitasyon ang mga mangrove sites sa mga munisipalidad ng Del Carmen, Dapa, General Luna, San Benito, at Socorro, lahat sa Surigao del Norte.

Ang Isla ng Siargao ay tahanan ng daan-daang species ng flora at fauna, na may lubos na magkakaibang kagubatan ng mangrove, na bumubuo sa 19 sa 54 na kilalang species ng bakawan sa mundo.

Noong 2019, ang Del Carmen Mangrove Site ay ginawaran bilang Para El Mar Best Mangrove Award in the Philippines ng Marine Protected Areas Support Network.

Saklaw din ng kasunduan ang pagpapatupad ng solid waste management activities sa isla.

Itinalaga bilang project implementers ang DENR-Region 13 (CARAGA) kasama ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Surigao del Norte at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Dapa.

“They will conduct the identification and delineation of the 143-hectare mangrove site and determine the mode of plantation establishment, protection, and maintenance,” ani Sampulna.

“The partnership recognizes the importance of addressing climate change and the sense of urgency to act now. We need our mangroves more than ever,” dagdag niya habang pinupuri ang JVOFI para sa kanilang tulong.

Ang JVOFI ay isang non-government organization na tumitiyak sa pagsulong ng konserbasyon, proteksyon at makatuwirang pamamahala, at paggamit ng mga kritikal na mapagkukunang ekolohikal sa bansa.

“This is just the beginning of our continuing partnership. We are thankful to be a part of this initiative and to be able to serve our communities,” ani Bautista.

Aaron Recuenco