Matapang na nagpahayag ng pagsuporta ang 'The Voice Kids' season two winner Elha Mae Nympha sa presidential bid ni Bise Presidente Leni Robredo.

Sinabi ni Elha na kaya ito sumusuporta kay Robredo ay dahil sa mga platapormang inilatag nito at hindi lang dahil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Dahil sa pagsuporta ni Elha, inatake siya ng 'trolls,' na siya rin naman niyang pinalagan.

"Di ko kasalanang loyal ako sa ABSCBN. Parang magulang din yan tinatanawan ng utang na loob kung hindi dahil sa kanila wala ako dito. Lumalaban ako para kay Leni at sa PLATAPORMA NIYA. Di lang dahil sa prangkisa," tweet ni Elha.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/ElhaNympha/status/1507756188376596481

Aniya, hindi niya ilalagay sa alanganin ang kinabukasan ng mga Pilipino dahil sa pera.

"Hindi ko iririsk ang future ng kapwa ko pilipino para lang sa pera dahil pang sariling kasiyahan ko lang yan at ako lang mag bebenefit diyan. Baka lang sabihin nilang BAYARAN AKO," ani Elha.

https://twitter.com/ElhaNympha/status/1507757698569236487

Dagdag pa niya, ang tanging 'bayad' lamang na tinatanggap niya ay '6 years of good governance.'

Nakatakdang mag-perform si Elha, bilang isang volunteer singer, sa gaganaping Leni-Kiko Grand Rally sa Makati sa Abril 30.