May 168 pamilya ang nabigyan na ng tahanan ng Manila City government dahil sa proyektong Tondominium II na inilunsad ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno.

PHOTO: ALI VICOY/MB

Ang turnover ng mga naturang condo units sa mga pamilyang benepisyaryo ay pinangunahan ni Moreno, kasama sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna at Rep. Yul Servo nitong Linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na ang Tondominium ay may 15 palapag na ang bawat isa ay may tig-12 units, na ang sukat ay aabot sa 44 metro kuwadrado.

Mayroon din itong dalawang elevators na magagamit ng mga residente at sariling parking lot na nasa unang palapag, day care center, opisina, livelihood center, pump room, comfort room, electrical room, maintenance room at stair nodes.

Ayon kay Moreno, inilunsad niya ang naturang proyekto upang mabigyan ng de kalidad na pabahay ang mga residente ng Maynila.

Pinayuhan rin niya ang mga benepisyaryo na ingatan ang kanilang mga bagong tahanan. “Ingatan nyo ‘to. 'Di araw-araw Pasko. Ipagpasalamat ninyo sa Diyos at kung hindi kalabisan, isama po ninyo ako sa inyong panalangin na bigyan ako ng katatagan ng kalooban para suungin ang mahirap na labang ito dahil sa tagumpay ko, milyong pamilya pa ang pu-pwedeng magbago ang buhay.”

Tiniyak rin ng alkalde na kung papalarin siyang maging susunod na pangulo sa darating na halalan, ang lahat ng proyekto na ginawa sa Maynila ay gagawin rin sa buong bansa.

“Kung kaya gawin at nangyari dito sa Maynila, mangyayari din ito kahit saan sa Pilipinas,” aniya pa.