Ibinulgar ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap na gumawa na ng legal na hakbang ang kanyang Viva Entertainment family kasunod ng mga akusasyon sa kanya bilang isang ‘pedophile.’

Sa kanyang paglabas sa isang Facebook broadcast ni Rj Nieto kamakailan, nagbahagi si Darryl ng ilang insidente kung saan nakatanggap siya ng matinding pambabatikos mula sa kanyang sariling circle of friends. Dito ikinuwento ng direktor ang ngayo’y galit nang mga estudyante niya noon, bilang dati rin siyang guro sa Teatro.

“Itong mga dati kong tinuruan, may galit na sa akin. Alam mo yung bigla wala nang respect. They’ll call me pedophile, I don’t know the term no. Ang Viva alarmed ngayon sa pedophile term so they asked their corporate lawyer and my personal lawyer to actually sampa kaso to all of these people. It’s one hundred percent not true. All the tweets were maliciously collected to appear,” saad ni Darryl.

Kasunod na nabuksan ang dati pang isyu ng direktor na muli niyang ipinaliwanag. “I was very open with my past relationship. The reason why VinCentiments was born is because of my breakup to that relationship,” pagsisimula ng direktor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I had a relationship somebody younger than me but I never had a relationship with a child, with a kid. Ganun kasi ang [sinasabi] nila. Tapos yung tweet doon kasi TP [Thinking Pinoy] na, ‘Masarap ang bata,’ it was a reply [to someone saying] that I look like a kid,” dagdag na paglalahad ni Darryl.

Aniya, taong 2016 o 2017 pa umano ang naturang tweet ngunit hindi niya intensyon na maging sexual predator sa serye ng tweets na iyon.

“Basta nag-post ako ng picture ko sa Twitter tapos may nagcomment, ‘Crush pa naman kita kaso lang bata ka pa pala,” sabi sa akin. Ako naman tatanga-tanga, malay ko ba na magkakaroon ako ng kaunting relevance, nagtweet ako…’Masarap ang bata.’”

Ani Darryl, “blinow-up” ng kanyang kritiko ang naturang konteksto. Kasunod ng insidente, inamin ng direktor na nagkaroon siya ng trauma kapag nakatatanggap ng parehong komento.

“Ayokong maging dramatic. Kaya ako when people comment that sa pictures ko, ‘Oh ang bata mo naman, Direk,’ medyo may trauma akokonti sa ganon. That’s the reason I had the issue eh,” saad ni Darryl.

Muli ring pinasinungalingan ng direktor ang mga akusasyon ng umano’y kanyang relasyon sa isang apat na taong-gulang na bata. Gayunpaman, inamin niyang may nakarelasyon siyang mas bata sa kanya noon. “Mas bata pero hindi bata for that sense,” aniya.

Dahil sa isyu, naalarma umano ang Viva Entertainment. Bago pa umano lumala ang danyos sa kanya bilang isang direktor ng kompanya, agad raw siyang kinumbinsi na maghabla ng kaso sa mga nasasangkot na indibidwal.

“Viva was alarmed by it kasi I have contracts sa ilang mga…nagdi-direct ako ng mga commercials, ng ads. I also have films. Tapos sa mga films ko may mga insertions ng mga products, may mga ano..so ang nangyari, nagsampa kami ng kaso,” pagbabahagi ni Darryl.

Unang tumanggi pa itong maglahad ng detalye ngunit kalauna'y naglatag din ng dagdag na development kaugnay ng isyu.

“Nagsampa kami against 40 people because Viva said, ‘Ang mangyayari doon, pwede ko silang singilin sa posibleng damage ng pinaggagawa nila,’” ani Darryl.

“Gumugulong siya ngayon. Ang ano ko lang sa Viva, gusto rin nila yung mga recent din na nagpo-post, nagtu-tweet, ng ganon ulit, gusto nila idagdag [sa kaso], dagdag niya.

Sinubukan umano niyang pigilan ang Viva na huwag nang ituloy ang mga kaso ngunit talagang “very business-minded” ito. Pagbubunyag pa ni Darryl, bukod sa 40 kataong unang nakasuhan ay naghabla pa silang muli ng panibagong 18 ngayong umarangkada ang eleksyon.

Hindi naman nabanggit ng direktor ang partikular na kasong inihain ng kanilang kampo sa halos 60 indibidwal.

Nais umano ng Viva na turuan ng leksyon ang mga ito kahit aniya’y alam niyang wala ring kapasidad ang ilang sinampahan ng kaso na makapagbayad ng hihilinging halaga ng danyos.

Si Darryl ang sumulat at lumikha sa kontrobersyal na “Kape Chronicles.”