Nakaamba na naman ang malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod na rin ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng hanggang ₱8.15 ang presyo ng kada litro ng kerosene at diesel.

Inaasahan namang papatungan ng ₱3.15 ang kada litro gasolina sa Marso 29.

Ito ay bunsod ng bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado na isinisi sa Ukraine war.

Matatandaang nitong Marso 22, nag-rollback ang mga kumpanya ng langis ng ₱11.45 sa kada litro ng diesel, ₱8.55 sa presyo ng kerosene at ₱5.45 naman sa presyo ng gasolina.