Ipinahayag ng socialite-vlogger-TV host na si Small Laude ang kaniyang pagsuporta kay senatorial candidate at dating Defense Secretary Gilbert 'Gibo' Teodoro ng 'People's Reform Party' at kabilang sa senatorial slate ng UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Makikita sa Instagram post ni Small ang litrato nila ni Gibo kasama ang ate niyang si 'Woman of Steel' Alice Eduardo, CEO at founder ng Sta. Elena Construction and Development Corporation, at iba pa nilang mga amiga.

"My senatorial candidate #57 Gibo Teodoro," caption ni Small sa kaniyang Instagram post.

Sa comment section, nagkomento at sumang-ayon naman dito ang beteranong aktor at TV host na si Edu Manzano, na isa namang certified Kakampink o tagasuporta nina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

"Mine too!" aniya.

Gibo Teodoro at Small Laude (Screengrab mula sa IG/Small Laude)

Screengrab mula sa IG/Small Laude

Si Teodoro ay isang abogado, politiko, at negosyante, na nanilbihan bilang dating Kalihim ng National Defense mula 2007 hangga 2009 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Siya ang naging manok ni GMA at Lakas–Kampi–CMD noong 2010 presidential election, subalit natalo siya ng kaniyang second cousin, na yumaong si dating Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III o P-Noy.

Noong 2016, inalok siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling maging kalihim ng National Defense subalit tinanggihan niya ito. Noong Oktubre 2021, muli siyang nagbabalik sa politika bilang kandidato sa pagkasenador, matapos niyang maghain ng certificate of candidacy o COC sa ilalim ng People's Reform Party.

Samantala, wala namang binanggit si Small kung sino ang susuportahan niyang VP at presidential candidate.