Tila idinaan na lamang sa 'meme' ni senatorial aspirant at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga natanggap na patutsada kamakailan lamang.

Ayon sa ibinahagi niyang meme kung saan makikita ang litrato ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, "Sabi nga ni VP Inday Sara, 'Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng burger'".

"Thank you po sa advice, Mr. President!" saad naman sa caption ng kaniyang post sa opisyal na Facebook page.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Larawan mula sa FB/Herbert Bautista

May be an image of 5 people and text
Larawan mula sa FB/Herbert Bautista

Naging maagap naman ang mga netizen na nagbigay ng espekulasyong ito ang tugon niya sa parinig ni Queen of All Media Kris Aquino noong dumalo ito sa Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem noong Marso 23, 2022. Nanawagan si Tetay na huwag iboto ang 'ex' niya na nasa UniTeam dahil hindi raw marunong tumupad sa pangako.

"Nandito ba siya? Di ba yung isa… nasa… UniTeam? Yung ex?" sabi ni Kris na ikinahiyaw naman ng madla.

"Oh, huwag n'yong iboto 'yun ah? Sayang ang boto, dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako," dagdag pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/

Maraming nagpalagay na ang pinatatamaan ni Kris ay si Bistek, bagama't bahagi rin ng UniTeam senatorial slate si Robin Padilla.

Pagkatapos nito, ang girlfriend naman ni Bistek na si Ruffa Gutierrez ang tila may patutsada. Tila may pinasasaringan daw ang beauty queen-turned-actress sa latest Instagram post nito noong Marso 24, 2022.

Ayon sa kaniyang caption, "Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/">https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/

Nitong Marso 25 naman, ang kaniyang IG post ay "Spending time with those who make me better, those who want to see me grow and those who see my worth."