ILOILO CITY -- Para kay dating Senador Manuel "Mar" Roxas II, kwalipikado maging presidente si Vice President Leni Robredo dahil mayroon itong talino at puso.
“Klaro sa akon ang tawo nga ging saligan ko kay ara sa iya ang kwalipakasyon—indi lang kwalipikasyon sa utok pero ang kwalipikasyon man asta sa tagipusu-on (It’s clear that the person I have my full trust has all the qualification—not only intellectually qualified, but also qualified in terms of the heart)," ani Roxas nang maalala niyang pinili niya si Robredo bilang kanyang running mate para sa kanyang presidential bid noong 2016.
Pormal na inendorso ni Roxas si Robredo sa isang campaign rally para sa mga lokal na kandidato sa Roxas City, ang kabisera ng lalawigan ng Capiz na ipinangalan sa kanyang lolo na si dating Pangulong Manuel A. Roxas.
Ang Capiz ay lugar kung saan nagsilbing kongresista si Mar ROxas at kung saan sinimulan niya ang kanyang kampanya sa pagkapangulo noong 2016 kasama si Robredo sa ilalim ng Liberal Party (LP).
Hinimok ni Roxas ang mga taga-Capiz na suportahan si Robredo sa parehong paraan ng pagsuporta nila sa bise presidente noong 2016 at katulad din ng pagsuporta ng mga taga-Bicol sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.
Ang Capiz at ang nalalabing bahagi ng Panay Island ay itinuturing pa ring balwarte ni Robredo.
Noong Pebrero 15, nagtungo sina vice president at kanyang running-mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa campaign sortie.
Tara Yap