Hindi pinalagpas ni Tingog partlylist candidate at Kapamilya star Karla Estrada ang panlalait ng isang netizen sa isang PWD o person with disability sa kaliwang mata, matapos itong magpakita ng pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos, sa pamamagitan ng komentong 'Weh, dilat ka nga!'
"Isa lang ito sa na(n)gutya sa taong may kapansanan nang dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan. Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo," ani Karla sa kaniyang tweet noong Marso 24, 2022.
Kalakip ng kaniyang tweet ang profile ng nanlait at nilait, na mukhang naibahagi na sa TikTok.
Ibinahagi rin niya ito sa kaniyang Instagram story
“Hindi ko lang ito kaya. Kailangan ko pang magsalita at naaawa ako sa kalagayan ni Kuya na may kapansanan sa mata," aniya.
May mga netizen naman na kumampi kay Karla.
"Tama, ito talagang mga Kakampink na ito, walang pinipili sa cancel culture!"
"Thank you Momshie Karla for standing up. Ipaglaban mo rin ang mga PWD!"
"Go momshie! Tama, kakaganyan ng mga toxic na supporters, pati yung mismong kandidato, napapasama."
"Tama lang 'yan, Momshie Karla. Go for the best!"
"You're the best, Momshie! Sunog!"
Ngunit pinutakti si Karla ng mga negatibong komento at pag-alma ng mga netizen.
"Wag kang magmalinis. Araw-araw ngang nakakatikim ng lait si Melai sa'yo sa MB on live tv. Remember?"
"Kung kino-call out mo lahat regardless kung sino man ang manok eh baka paniwalaan ka pa kaso selective yarn?? Sana pati yung apologist na gustong makapanood ng batang nire-rape at marami pang iba. Wag kami mamshie."
"Pakilinis muna ang sariling bakuran dahil di hamak na mas makalat sa inyo."
"Ganyan din po ang nararamdaman namin sa araw-araw na pangungutya mo kay Melai."
"Actually kailangan niya muna tumingin sa salamin. She even had a moment in her vlog telling not to act a certain way kasi para daw bading. At that point na turn off na talaga ako sa kanya."
Samantala, wala pang komento, tugon, o pahayag si Karla tungkol sa isyung ito.