Papayagan na ng Department of Education o DepEd ang face-to-face graduation sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2 para sa kasalukuyang taong pampaaralan 2021-2022.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang limitadong in-face graduation rites ay papayagan sa pakikipag-usap sa mga local government units (LGUs), paaralan at stakeholders.

Ani Briones sa isang pahayag, sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 at pagluwag ng mga paghihigpit, pinapayagan na ng departamento ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face at virtual na pagtatapos, depende sa alert level status sa bawat rehiyon.

Gayunman, iginiit ng DepEd na ang mga aktibidad na ito ay dapat isagawa sa mahigpit na pagsunod sa mga health protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Tanging ang mga mag-aaral, kanilang mga magulang at tagapag-alaga, mga opisyal ng paaralan at mga tagapagsalita ang papayagang dumalo sa mga seremonya.

“Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok” (K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity) ang tema ng end-of-school rites ngayong taon, na isasagawa mula Hunyo 27 hangganga Hulyo 2 sa mga pampublikong paaralan. Samantala, maaari ring ipatupad ng mga pribadong paaralan ang iskedyul na makikita sa kani-kanilang mga kalendaryo ng paaralan.

Pinagdiinan naman ng DepEd na dapat isagawa sa isang solemne at marangal na paraan ang graduation at huwag nang haluan ng pamumulitika tulad ng pagkakampanya.

Dapat ding tiyakin ng mga paaralan na election paraphernalia, kabilang ang mga streamer, poster o sticker, na ipapamahagi sa loob ng paaralan o online.