Matapos mawala ni Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB) noong Pebrero, bagong diskarte ang nilatag ni Bianca Gonzalez bilang pinakabagong atake sa pangunguna ng sikat na reality show.

Naniniwala si Melai Cantiveros na karapat-dapat maging lider sa kanilang mga PBB hosts si Bianca kasunod ng pagbaba ni Toni matapos ang 16 taon.

Basahin: Evicted? Toni Gonzaga, napaulat na mawawala na sa Pinoy Big Brother – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Deserved talaga ni Ate B lahat ng blessings kung ano ang meron siya ngayon. Nung unang salang namin, si Ate B grabe ang guide niya sa amin. Maniwala kayo sa hindi parang paiyak kami nila Kim, kami nila Robi,” ani Melai sa isang Magandang Buhay episode.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ibinahagi pa ng comedian-host ang ilang beses na pagsalo sa kanya ni Bianca matapos mamatayan ng teleprompter sa kasagsagan ng pag-ere ng programa.

“Grabe ka-generous si Ate B pagdating sa work, pagdating sa bonding, samahan. Grabe si Ate B hindi ka maiilang sa kanya as a leader sa amin na hosts sa Pinoy Big Brother (PBB),” pagbabahagi ni Melai.

Inilahad naman ni Bianca ang naging diskarteng natutunan noong maging parte ng PBB Otso edition bilang bagong atake sa pagho-host ng programa.

“Nung kinailangan namin mag-adapt sa sitwasyon parang nasa isip ko yun...ang tagal ko nang ginagawa ang PBB at akala ko alam ko na kung paano i-host yung PBB pero pinakita nila sa akin na may bagong way pa pwede itong iatake, may fresh way, pwedeng comedy, pwedeng barkada,” salaysay ni Bianca.

Basahin: Enchong sa co-PBB hosts: ‘No matter what we go through, we will thrive because we have each other’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nung nangyari lahat ito, I knew na dun talaga siya papunta. Ginagamit namin yung strength ni Robi, strength ni Enchong [Dee], strength ni Kim [Chiu], strength ni Melai para mas gawing solid yung isang live show,” dagdag niya.

Saksi umano si Melai sa pagiging “humble” ni Bianca sa kabila ng tinatamasang success.