May pakiusap sa publiko ang multi-awarded Filipino photojournalist na si Ezra Acayan sa patuloy na pag-arangkada ng election campaign para sa botohan sa Mayo.

“Pakiusap. Please don't attack journalists just because they've been assigned to cover candidates you don't like,” saad niya sa isang Twitter post noong Huwebes, Marso 24.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/eacayan/status/1506999880291880966?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1506999880291880966%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Finteraksyon.philstar.com%2Ftrends-spotlights%2F2022%2F03%2F25%2F213639%2Fkaren-davila-journalists-covering-2022-candidates-elections%2F

Malaking hamon ngayon para sa mga mamamahayag sa ground ang itaguyod ang mga istorya sa gitna pa rin ng pandemya at minsa’y mainit na giriin sa pagitan ng mga kampo at maging ng mga tagasuporta ng mga kandidato.

“We've already had to endure being brutally antagonized and discredited by this government and its trolls for the past six years, the last thing we need is to be cancelled for simply doing our jobs,” aniya.

“Unlike vloggers, our job is to show the truth, gather facts and scrutinize. It's not our job to please your biases when the truth shows otherwise. Our job is to make sure you can't say ‘I didn't know,’” dagdag ni Acayan.

Ito ang naging pahayag ng award-winning photojournalist matapos mamataan kamakailan si ABS-CBN anchor Karen Davila sa isang motorcade ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr na ikinagulat pa ng ilang netizens.

Basahin: Karen Davila, trending, naispatan sa UniTeam caravan sa Cavite; tanong ng mga netizen, bakit?! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ksalukuyang regular na kontribyutor si Acayan sa Getty Images at base sa kanyang press ID na ibinahagi sa parehong Twitter post, naitalaga siyang iulat ang kampanya ng Presidential hopefuls na sina Vice President Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos Jr.

Taong 2018 nang parangalan si Acayan ng special merit sa Human Rights Press Awards para sa kanyang Philippine drug war coverage. Kilala rin si Acayan sa kanyang mga likhang pinarangalan ng World Press Photo Award noong 2019 at 2021.