Isang random tweet mula kay American singer-songwriter Jim Brickman ang gumulat sa fans ng mag-asawang sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at actor-singer Matteo Guidecelli kamakailan.

Inimbitahan kasi ng sikat na musikero ang Kapamilya real-life couple para sa isang music collaboration.

Musika at Kanta

BINI Jhoanna, magbabalik sa musical rerun ng 'Tabing Ilog'

https://twitter.com/JimBrickman/status/1506398104551051271?t=BPrHTgGgIIOpTUzQfxfSkQ&s=19&fbclid=IwAR2SKgQLn9Ye4Rg2cvsj_L_S5dxgSYbzcvoM_AhN9uQMm7BibuRdjiWCews

“@matteoguidicelli Collab?,” tweet ni Jim noong Miyerkules, Marso 23.

Dagdag na hirit pa nito, “And @JustSarahG of course! [emoji]"

Positibo namang tinugunan ito ng actor-singer. “It would be a great. An honor!”

Mukhang “get down to the business” naman ang hangad ng American artist kaya’t hiniling niya sa mag-asawa na pag-usapan agad ito.

“[emoji] DM [direct message] me and let’s get something set up @matteoguidicelli @JustSarahG.

Malaking pangalan sa Pilipinas si Jim sa kanyang mga hit songs na kadalasang top pick ng mga Pinoy sa mga karaoke session.

Kabilang sa kanyang mga sikat na kanta ang “Valentine,” “Your Love” at “Destiny.”

Positibo ring tinanggap ng fans ng Popstar Royalty ang potensyal na proyekto at inulan pa ng ilang clips ng ilang performances ni Sarah G ang thread ng tweet ni Jim.