May sagot si senatorial aspirant Salvador Panelo sa paghingi ng tawad ni Sharon Cuneta nitong Huwebes, Marso 24, kahit na wala namang binanggit na pangalan ang aktres.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/
Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Marso 25, ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa paghingi ng tawad ni Sharon Cuneta tungkol sa pagdadamot umano nito sa kantang "Sana'y Wala Nang Wakas."
"Dear Ms. Sharon Cuneta, I don’t want to assume that your apology is for me because I was not named, but no apology for me is necessary. I was not hurt. I just felt sad that you felt slighted or offended, and I apologize for that. I had no intention to do that at all," ani Panelo.
Katulad daw umano ni Senador Kiko Pangilinan at mga party mates nito, nais lang din nila na i-entertain at magbigay ng appreciation sa kanilang audience sa pamamagitan ng pag-awit.
"Just like Senator Kiko and his party mates, apart from sharing our respective platforms of government to our audiences, we also want to entertain and show our appreciation to them with music. It just so happened that “Sana’y Wala Nang Wakas” holds a special place in my heart, and that’s why I chose it. I have been singing it for a very long time for my special child, Carlo," saad niya.
Gayunman, naiintindihan ni Panelo ang aktres at wala siyang sama ng loob dito at ipinaalam din niya sa aktres na dahil sa issue ay nagkaroon ng ibang kahulugan ang kanta.
"I know you would not have reacted that way if you knew that so I understand you, and hold no ill will towards you," aniya.
"I am very happy to let you know that because of the buzz that was created, the song has taken a new meaning for many as one depicting the unconditional love of a parent for his/her child, especially those with special needs. More are also now aware of the plight of children with disabilities (CWD) and their families. I hope this gives you comfort amid the difficulties you encountered with this issue," paliwanag ni Panelo.
Lubos din siyang nalulugod dahil sinusuportahan din ni Sharon ang mga children with disabilities (CWD).
"I am also very pleased to know that you have been supporting CWDs. I’m therefore sure you know that government support for them has been lacking for a very long time," saad ng senatorial aspirant.
Kaugnay nito, ibinahagi rin niya ang datos ng PhilHealth kung ilang batang Pilipino ang namumuhay sa nasabing kapansanan maging ang mga hindi magandang karanasan ng mga ito dahil wala silang access sa mga pampublikong ospital na maaaring tumugon sa kanilang pangangailangan.
Nauna na ring sinabi ni Panelo na kung sakaling manalo siya bilang senador, isa sa mga plano niya kung sakaling manalo bilang senador ay magkaroon ng aksyon na magbibigay ng government-funded care facilities sa buong bansa, maging libreng therapy at special education sa mga batang may special needs.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/panelo-ibinahagi-ang-video-na-inaawit-ang-kanta-ni-sharon-para-sa-kanyang-anak-na-may-down-syndrome/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/11/panelo-ibinahagi-ang-video-na-inaawit-ang-kanta-ni-sharon-para-sa-kanyang-anak-na-may-down-syndrome/
Samantala, umaasa ang senatorial aspirant na maging daan si Sharon upang sumali ang Team Leni-Kiko sa adbokasiya na magbigay ng libreng therapy, special education, at iba pang pangangailangan ng mga CWDs.
"I hope that, through you, Team LeniKiko can cross party lines to join our advocacy to provide free therapy and special education for CWDs, and nursing homes or facilities for orphaned or abandoned CWDs," saad ni Panelo.
"I also hope that you can personally and publicly advocate for the same. With your star power, I am certain that the movement can gain more support. CWDs have a better chance if we’re all in this together," dagdag pa niya.
"We hope for Team Leni Kiko’s and your favorable response."As of writing, wala pang tugon ang Leni-Kiko tandem.