Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes, Marso 25 sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa:

EDSA-Caloocan Southbound bago Mariano St. (5th lane buhat sa  sidewalk); EDSA Southbound Quezon City Panay Ave. hanggang Mo. Ignacia (Service Road) (1st lane magmula sa  sidewalk); EDSA-Quezon City Northbound sa EDSA malapit sa Quirino Highway exit; EDSA-Quezon City Northbound bago at pagkatapos ng Gate 3 (2nd lane buhat sa sidewalk); EDSA-Quezon City Northbound pagkatapos ng Main Ave. hanggang bago P. Tuazon flyover (2nd lane mula sa MRT Line) pagkatapos ng P. Tuazon hanggang Central Ave. (2nd lane magmula sa sidewalk); EDSA Pasay City Northbound innermost lane (bus way) E. Rodriquez St. patungo hanggang C. Jose St.; Tandang Sora Avenue malapit sa Tierra Pura Homes (inner lane); at C-5 Road Makati City Northbound sa kahabaan ng C-5 Northbound bago McKinley Road Makati.

Bubuksan sa motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes,Marso 28 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

44 pang OFW, nakabinbin pa rin sa death row

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.