Dumarami na muli ang Pinoy na nangingisda sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes.

Sa pagbabantay ng BRB Naples ng PCG, mula Pebrero 28 hanggang Marso 5 ay nasa 45 bangkang pangisda ng mga Pinoy ang namataan sa lugar.

Nilinaw ni PCG Commander Admiral Artemio Abu, patunay ito na nagbubunga na ang pagsusumikap na mahikayat na bumalik ang mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc sa Zambales.

Tiniyak ni Abu na hindi titigil ang PCG sa pagbabantay upang matiyak ang seguridad ng mga mangingisda at kaligtasan nila sa karagatang nasa teritoryo ng Pilipinas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Seeing more Filipino fishing boats in Bajo de Masinloc is a proof of our intensified efforts to safeguard Filipino fishermen who consider fishing as their primary source of livelihood. Through our regular interaction, we assure them that the PCG will remain active and present in the area,” pagdidiin pa ni Abu.