May patutsada si reelectionist Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Biyernes, Marso 25, sa isa sa mga katunggali niya sa pagka-alkalde na nagpasara umano ng ABS-CBN.

Sa ginanap na proclamation rally ni Belmonte, may patutsada siya sa isa sa mga katunggali niya sa pagka-alkalde na nagpasara umano ng ABS-CBN.

"'Yung iba dyan mas inuna ang pagpapasara ng ABS-CBN," saad ni Belmonte nang ibinahagi niya na pinutakte ng fake news ang kanyang mga nagawa noong kasagsagan ng pandemya.

"'Yan may resibo. 'Yan ang ipaliwanag mo sa mga tao na habang nasa gitna tayo ng krisis, libo-libong pamilya ang nagtiis at natiis mong mawalan ng trabaho. Ni hindi mo inisip kung paano na ang pagkain at pag-aaral ng mga anak ng mga taga-ABS-CBN o mga negosyong nakadepende sa kompanyang 'yan na nagsara rin," patutsada ng alkalde.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaan na si QC Mayoralty candidate Mike Defensor ang isa sa mga kongresistang hindi pumabor na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kanyang panayam sa MB Hotseat kamakailan, muli niyang dinepensahan ang kanyang naging desisyon tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

"Gusto ko lang linawin that when I decided on the ABS-CBN issue and I was very active in the hearings, it was born out of my duty as congressman, and because 'yan ay application for a franchise and on the base of that may conditions 'yan," saad ni Defensor.

"May mga governing laws and the constitution governs 'yung amin desisyon. 'Yung naging concern na pinag-uusapan are the workers. 'Yung mga natanggal na trabahador, nabayaran sila. Nanalo sila sa Supreme Court. It was just a matter of duty, it was never personal," dagdag pa niya.

Noong Pebrero 24, kinasuhan ni Belmonte si Defensor ng kasong cyber libel.

Sa kanyang complaint affidavit, binanggit ni Belmonte na nag-ugat ang demanda sa mga akusasyon umano ni Defensor na ipinostpa sa social media. Paliwanag ng alkalde, “lumagpas na si Defensor sa hangganan” ng kalayaan sa pagpapahayag.

Aniya, “libelous, mali, may masamang hangarin at mapanlinlang” umano ang dalawang Facebook posts ni Defensor na hindi dapat balewalain.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/04/pulitika-umiinit-na-sa-qc-rep-defensor-kinasuhan-ni-belmonte/