Hindi kumbinsido ang netizens sa proyekto ng isang Sangguniang Kabataan (SK) sa Zamboanga City matapos bumili ito ng brand new at mamahaling Mitsubishi Strada para umano pigilang masangkot ang kabataan sa kalakalan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Sa larawang ibinahagi ng blessing ceremony para sa bagong sasakyan, nilahad ng SK Barangay Tetuan sa isang Facebook post nitong Huwebes, Marso 24 ang naging layunin ng pagbili ng lupon sa nasabing sasakyan.

Larawan mula SK Barangay Tetuan via Facebook

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“The only SK in the City that purchased a brand new Strada vehicle to combat the challenge on anti-illegal drugs. The youth is one of the most vulnerable sectors that is easily influenced by peer pressure,” saad nito.

Dagdag nito, “Our goal as the representative of the Youth is to ensure that no Youth will ever engage on drug related activities. This is our COMMITMENT in assuring the youth of quality projects that is inclusive and competitive. This is part of our Supplemental Budget. ?

Ikinaloka naman ng netizens ang paandar na ito at iginiit ang malayong kinalaman ng sasakyan sa pagkamit ng layuning matugunan ang pagkakasangkot ng kabataan sa illegal na kalakan ng droga sa lugar.

“Pakibasa po ulit ng 1st sentence ng caption niyo. Baka lang namamalikmata kami. Or nagdedelusyon kayo. 54x times ko nang binasa hindi ko pa rin maunawaan kung paano mareresolba ng pick-up truck ang droga. Literal na sasagasaan niyo po ba ang mga adik? Pakiexplain po baka sakaling pwede i-adopt ng ibang SK. Salamat,” komento ng isang netizen.

“The "objective" and "output" do not align. Luxury car to combat drugs? How? Manghahabol ba kayo ng adik?” dagdag na saad ng isa pa.

“Nakakaloka yung paandar nila na malayo sa objectives hahahaha.”

Hindi ring mapigilang magkomento ni “Buwan” hitmaker Juan Karlos at nag-react din ito sa nasabing SK project.

“Ano connect ng pickup sa droga? Dapat ininvest nalang yan sa mga bagay katulad ng rehabilitation centers?” saad ni JK.

Ayon sa sa Autodeal website, tinatayang aabot sa  P815,000 hanggang P1.7-M ang halaga ng sasakyan na para sa netizens ay sana’y nailaan na lang para sa iba pang programang mas makatutulong sa komunidad.

Larawan mula SK Barangay Tetuan via Facebook

“Strada to out battle anti-illegal drugs? Given the fact that this brand new Strada is worth a million.., Mas ok sana sa mga Livelihood projects for Single Moms or Families na nakaencounter Ng drug problem sa mga members nito ... Seminars/Drug Education sa Barangay and improving Rehabilitation Centers for Drug Users... improving Sports Facilities so that the youth can divert their attention and time sa Sports rather than sa drugs. Ayuda to the Families na may mga magulang na nakulong dahil sa droga. Napakadami sanang pedeng iprograma Jan . Bakit Strada?..well, you have your reasons. Anjan na yan.. so better use it wisely and properly.. make this vehicle productive!” mahabang komento ng isa pang netizen.

Segunda pa ng isa, “Yung pondong ipinangbili nyan could have been used for rehabilitation ng mga drug users sa inyong lugar or materials for information dissemination to raise awareness. I don't get how a brand new vehicle could help stop illegal drugs.”

Viral ngayon ang nasabing post na tumabo na ng mahigit 43,000 reactions at 25,000 shares sa pag-uulat.