Mananatiling kandidato sa ilalim ng Partido Reporma si presidential candidate Senador Panfilo "Ping" Lacson sa kabila ng pagbibitiw nito bilang standard-bearer ng partido,ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.

Sa isang panayam sa telebisyon sa Unang Balita ng GMA, tinanong si Garcia kung magkakaroon ng mga isyu sa teknikalidad hinggil sa hakbang na ito ni Lacson.

“As far as the Comelec is concerned, ang nabanggit po ninyong kandidato ay kandidato pa rin ng partido politikal at the time na siya ang nag-file ng candidacy," aniya.

Sinabi ni Garcia na anuman ang political party na nakalagay sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) gayundin ang kalakip na Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ay siya pa rin ang kinikilala ng poll body.

“As far as the Comelec is concerned, per our rules per existing law, siya ay kandidato pa rin nuong partido na ginamit niya noong siya ay magfile ng kandidatura," dagdag pa niya.

Matatandaang pagkatapos magbitiw sa Partido Reporma, sinabi ni Lacson na tatakbo siya bilang independent candidate.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/lacson-kumalas-na-sa-partido-reporma-robredo-susuportahan-ng-partido/