Matapos imbitahan ang kaibigang si Atong Ang sa isang Senate hearing kaugnay ng nawawalang mga sabungero kamakailan, hindi napigilang mag-react ni actress-socialite Gretchen Barreto sa umano’y pangga-grandstand ni Sen. Bato dela Rosa.

Sinita ni Gretchen ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Substances kasunod ng umano’y panggawa nito ng eksena sa Senado para makuha ang pabor ng manonood.

“Get down to business, Bato. Stop grandstanding, just get down to the investigation,” maririnig na sinabi ni Gretchen sa serye ng Instagram stories habang pinanunuod ang hearing.

Hindi rin nakaligtas kay Gretchen ang mamahaling relo na suot ni Bato sa nasabing hearing.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

““Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling ‘yan? My God! A Senator has that watch? Oh my gosh!” bulalas nito.

Sunod na binira pa nito ang senador. “How did Bato ever become a Senator? Tingnan mo nga ang line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo. People vote wisely! Don’t vote a Bato!”

May maanghang na pahayag pa ito kaugnay ng umano’y pagiging sabungero mismo ng senador.

Ani Greta, “Tumatalkpak kasi ‘tong si Bato na ‘to e. Bato, ilabas natin ‘yung mga talpak mo kaya? Alam ko may balance to sayo, Kate, no?…The truth will come out, Bato, soon.”

Samantala, nauna nang itinanggi ni Atong, kasosyo sa negosyo at kaibigan ni Gretchen, ang kanyang pagkakasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero.