Masayang ipinagdiwang ng actor at singer na si Jex de Castro ang kanyang pagtawid mula sa dating Diehard Duterte Supporters (DDS) patungo sa ngayon ay Bise Presidente Leni Robredo supporter o mas kilala bilang 'Kakampink.'

Sa tweet ng singer, maituturing niyang character development ang pangyayari ito sa buhay niya.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

https://twitter.com/akosijex/status/1506886710180818947

"Pinakamalaking Character Development na nangyare sa buhay ko," tweet ni Jex sa kanyang uploaded photo na naglalaman ng dalawang larawan — suot ang damit na may tatak ng mukha ni Pang. Rodrigo Duterte at isa pang larawang may background na pink.

Payo naman ni Jex sa iba, matutong ibaba ang pride at aminin na nagkamali.

"Alisin ang pride. Aminin na nagkamali. Hindi nakakahiya na magbago ng pananaw at magising sa katotohanan," ani de Castro.

Isa na ngayon si de Castro sa mga pumupunta sa mga rally, na sinusuportahan ang presidential bid ni Robredo, upang awitan ang iba pang supporters.

Kamakailan lamang, nag-perform ang singer sa Echague, Isabela rally, at inawitan ang iba pang Kakampinks ng kantang Sundo na orihinal na kinanta ng bandang Imago.