Naglabas na ng saloobin ang anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na si Anvi Angeles tungkol sa binanggit ni Kris Aquino na "walang utang na loob."

Sa naganap na grand rally ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac, nagtalumpati si Queen of All Media Kris Aquino. Diretsahan niyang inihayag na nabi-bwisit siya sa mga taong walang utang na loob.

Aniya, “‘Di niyo kami pinabayan. Well at least kayo except for your – you-know-who. Pasensya na ha… Thank you. Sinabi sa – sorry po ah. Sorry sinabihan akong huwag makipag-away pero nabi-biwsit po talaga ako. I’m sorry na hindi ako yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakaka-bwisit talaga yung walang utang ng loob. Okay pero dedma na. Dedma na ‘don. Let’s focus sa importante.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sa-tarlac-sortie-nagpasaring-nga-ba-sa-dating-kaalyadong-walang-utang-na-loob/

Kaya't sa isang Instagram post ni Anvi Angeles, tinanong niya si Kris kung anong ang "utang na loob" ng kanilang pamilya ang binabanggit ng aktres.

"Ms.@krisaquino, we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family," saad ni Anvi.

Binanggit din ng anak ng mayor na ilang beses humingi ng tulong si dating Pangulo Cory Aquino sa kanilang pamilya dahil tumakbo noon sa kongreso at senado ang yumaong si dating Pangulo Noynoy Aquino.

Noong tumakbo naman bilang presidente si Noynoy, sinabi ni Anvi na itinalaga bilang provincial convenor sa ilalim ng People Power Volunteers for Reform sa probinsya ng Tarlac ang ina niyang si Cristy Angeles.

Wala raw silang hiningina tulong sa pamilya Aquino dahil mataas ang respeto ng mga ito kay Cory.

"Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina," ayon kay Anvi.

"I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po," dagdag pa niya.

Gayunman, hindi raw hahayaan ni Anvi na masamain ang kanyang ina dahil sa mga umano'y kasinungalingan ni Kris.

"But for you to maliciously accuse my mom in public of “walang utang na loob”, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate. We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayare dito sa Tarlac City," aniya.

Para kay Anvi, hindi raw istilo ng isang Grand Rally Campaign ang umatake sa isang maliit na mayor katulad ng kanyang ina.

"For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom," patutsada niya.

"Kahit ganito Lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sakanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo,

"We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment."

As of writing, wala pang sagot si Kris Aquino tungkol sa ipinahayag ni Anvi Angeles.

Samantala, isang "Kakampink" o taga suporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo si Anvi Angeles. Katunayan, nagpaalam pa umano ito sa kanyang mga magulang na si Leni ang kanyang iboboto kahit na si Bongbong Marcos ang sinusuportahan ng kanyang mga magulang.

Malugod itong tinanggap at nirespeto ng kanyang mga magulang.

Photo courtesy: Mark N Sheena BA/FB -- Kapatid ni Anvi