Tinalakan ni Kapuso comedian Pokwang na tinatawag ding 'Pokie', ang mga 'nagmamaasim na supporter' umano ng ibang partido na nambabash sa mga kapwa artistang Kakampink o nagpapahayag ng pagsuporta sa Leni-Kiko tandem, ayon sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Marso 23, 2022.

"Bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag-post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nagmamaasim na supporter ng kabila?" ayon sa komedyante, na mapapanood sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss' sa GMA Network.

Dagdag pa niya, sana raw ay suportahan na lamang nila ang mga artistang kaalyado nila.

"Bakit di n'yo na lang suportahan mga kapwa ko artista na kaalyado n'yo kaysa i- bash n'yo kami? They need your support too!"

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Ngayong Huwebes, Marso 24, 2022, naglabas ulit ng tweet si Pokwang na wala umano siyang pakialam kung i-unfollow o i-unfriend siya ng mga nasaling sa kaniyang patutsada. Mas takot umano siyang mawalan ng dangal at karapatang ipaglaban ang tingin niya ay makabubuti para sa bayan, para sa kaniyang mga anak at magiging apo.

"Good morning…. gusto ko lang malaman n'yong mga nagbabanta mag unfollow sakin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa aking mga anak at magiging apo. #PinKAngPokienyongLahat #Lenikiko," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Simula nang ihayag ni VP Leni ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo ay all-out na kaagad ang pagpapakita ng suporta ni Pokwang dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/pokwang-eksenadora-ang-hashtag-bilang-kakampink-pinkangpokienyonglahat/">https://balita.net.ph/2022/03/12/pokwang-eksenadora-ang-hashtag-bilang-kakampink-pinkangpokienyonglahat/

Matapang din siya sa pagsagot sa mga basher at hater niya sa social media.