Usap-usapan ang biglaang pagbulaga ni Queen of All Media Kris Aquino sa Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem nitong Miyerkules, Marso 23, 2022, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, sa kabila ng kaniyang kalagayan. Kasama niya rin ang kaibigang si 'real-life Darna' na si Angel Locsin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/">https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/

Bagama't masigla ang tono ng boses at lumabas ang kateklasahan, halatang-halata kay Kris ang pangangayayat at panghihina. Gumorabels pa rin ang Tetay at wala raw makapipigil sa kaniya, kahit ang mga doktor na pinagbawalan na siyang magpunta roon. Matatandaang nalinaw kamakailan na may erosive gastritis at gastric ulcer si Kris matapos ang ilang medical assessment sa Amerika. Sumailalim din siya sa Xolair treatment.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/kris-aquino-walang-cancer-at-tumor-ngunit-diagnosed-ng-erosive-gastritis-at-gastric-ulcer/">https://balita.net.ph/2022/03/15/kris-aquino-walang-cancer-at-tumor-ngunit-diagnosed-ng-erosive-gastritis-at-gastric-ulcer/

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maririnig pa ang sigawan ng mga tagasuporta ang mga salitang, “Laban, Kris!”

Ayon sa aktres, pinayagan lang siyang manatili sa rally sa loob lang ng tatlumpung minuto dahil pa rin sa kanyang kondisyon. Dagdag niya, noong Martes, Marso 21 lang niya nalaman na ngayong Miyekules gaganapin ang rally ni Robredo sa kanyang hometown.

“Sabi ko, ‘I’m going and nobody can stop me,’” saad niya.

“Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang tumapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat,’ dagdag ni Kris.

Bukod sa pangangampanya, ibinahagi rin ni Krissy na may ginawa raw sulat ang yumao niyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino o P-Noy para kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, noong nabubuhay pa ito.

"Alam n'yo po, the reason ang puso ko na kay VP Leni, simpleng-simple," ani Kris.

"I will reveal a secret because alam n'yo naman ako, madaldal. Noong namatay po si Noy, may sulat akong nabasa na inaddress niya kay VP Leni. I will not reveal kung ano ang ibang laman no'n dahil confidential na 'yon pero merong isang paragraph na talagang tumama sa puso ko."

"Sinabi po ni Noy, sa lahat, meaning parang sinasabi niya sa lahat ng kapartido, ‘Sa ’yo ko nakikita na iisa ang pananaw, iisang ang vision.’” In other words sinabi ni Noy na, ‘Sa 'yo ko nakikita 'yung sincerity at 'yung ability na unahin ang iba bago ang sarili.’”

Nang mabasa raw niya iyon, nasabi raw niya sa kaniyang sarili na kailangan niyang ipaglaban si VP Leni dahil sa kaniya raw humahanga at may tiwala ang kaniyang kuya.

"Alam n'yo po, n'ung nabasa ko 'yon, sinabi ko sa sarili ko, 'You have to fight for her dahil sa kanya bilib si Noy'", saad ng Queen of All Media.

Pero sabi nga, Kris Aquino is Kris Aquino at gumana na naman ang kataklesahan nito, nang magpahaging siya sa isang 'ex' na kabilang sa UniTeam, na huwag raw iboto dahil hindi marunong tumupad ng pangako. Kumakalat ang video clip nito sa TikTok.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/

Samantala, marami naman sa mga celebrity friends ni Tetay ang nagulat sa pagsulpot niya sa Tarlac sortie, at nagpaabot ng pag-aalala na sana raw ay mag-ingat siya.