Isa si Ogie Alcasid sa mga nag-renew ng kontrata at nananatiling certified Kapamilya, sa ginanap na contract signing nila ng kapwa 'It's Showtime' host na si Vhong Navarro at isa sa mga leading men ng network na si JC De Vera, na may hashtag na #GoodJob hosted by Darla Sauler, na dinaluhan ng mga ABS-CBN executives.
Maluha-luha si Ogie gayundin sina Vhong at JC dahil sa pagtitiwala ng Kapamilya Network sa kanila, sa kabila ng unos na pinagdaanan nito kaugnay ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal nito. Naiyak din sila sa madamdaming pahayag ng head ng production at Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi, na malaki ang pasasalamat nila sa mga artistang nanatiling Kapamilya, simula noong lubog sila hanggang sa ngayong papaahon na sila.
"I’m happy and blessed that I’m home and I’m here to stay," saad pa ni Ogie.
Isa sa mga saksi ng contract signing ay si Asia's Songbird Regine Velasquez na kamakailan lamang ay nag-renew din ng kontrata sa Kapamilya Network. Pabiro pa niyang sinabi na gusto raw niyang maging 'bold star'. Sa ngayon, siya ay substitute kay Momshie Karla Estrada sa morning talk show na 'Magandang Buhay' dahil sa pangangampanya nito. Tumatakbo siyang nominee sa ilalim ng Tingog-partylist.
Anyway, speaking of Songbird, inokray-okray pala ng isang netizen si Ogie noon na kesyo 'kawawa' na raw siya dahil simula nang maging sila ni Ate Reg, nawala na ang kasikatan niya at nakilala na lamang siya bilang 'asawa ni Regine'.
Pero nilinaw ni Ogie na ipinagmamalaki niyang asawa siya ng isang Asia's Songbird.
"I saw a tweet before that na kawawa ako kasi i was reduced to “husband of regine”. Hey my bro, just want to let you to know that i take pride of being husband to the kindest and most loving human one can ever meet. Peace," saad ni Ogie sa tweet niya nitong Marso 23.
Napa-react naman dito si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, na mister naman ni Megastar Sharon Cuneta, na kaibigan nina Regine at Ogie.
Aniya, "When you love your wife with all your heart, comments like that one do not matter at all."
"Salamat po," tugon naman ni Ogie.
Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.
"Love doesnt have standards… you love everyone. Because love is God… how you treat others is how you treat God."
"Bilang isang proud Sharonian at Reginian, masaya po ako na magaling pumili ng asawa yung mga favorites ko. Thank you for taking good care of our stars!"
"This exchange is just GOLD. For Women’s Month, we also celebrate the men who are not afraid of women who shine."
"No, but honestly, paano nila naisip na isang insulto 'yon? Regine Velasquez-Alcasid, Asia's Songbird lang naman ang asawa. Kaloka ha. Also, this is how a secured man responds to this kind of 'shaming'. Mahal namin kayo."
Sa isa pang tweet, ibinahagi ni Ogie kung gaano siya kasaya na sa tuwing umuuwi siya ng bahay, nadaratnan niya ang misis na si Regine.
"I come home to a wife who can’t wait for the stories that i have for her from work and all that I have done for the day. Ang sarap lang. TY Lord for this marriage."
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang emosyunal na pagbabahagi ni Regine sa pinagdaanan ng love story nila ng mister na si Ogie.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/regine-sa-relasyon-nila-ni-ogie-alcasid-if-i-could-bring-back-the-time-gugustuhin-ko-na-wala-kaming-nasaktan/">https://balita.net.ph/2022/03/21/regine-sa-relasyon-nila-ni-ogie-alcasid-if-i-could-bring-back-the-time-gugustuhin-ko-na-wala-kaming-nasaktan/
Bago pa ang kanilang relasyon ng beteranong singer-actor-TV host, kasal si Ogie sa una nitong asawa na dating beauty queen na si Michelle Van Eimeren at nagkaroon sila ng dalawang anak-- sina Leila at Sarah. Hindi nag-work out ang kanilang marriage kaya't sumailalim sila sa annulment noong 2007 at kalaunan ay nireveal nila ni Regine ang kanilang relasyon sa publiko.