Magandang balita dahil full operation na ulit ang online application system ng Medical Access Program (MAP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa National Capital Region (NCR).

“The public is hereby informed that the PCSO NCR Medical Access Program (MAP) Online Application System will resume its full operation on March 24, 2022,” nakasaad sa paabiso na inilabas ng Charity Assistance Department ng PCSO nitong Huwebes.

Maaari anilang ma-access ang online application sa PCSO Official Website nahttps://www.pcso.gov.phsa ilalim ng E-Services.

Kailangan lamang anilang i-click ang NCR Online Application for Medical Assistance upang maipagpatuloy ang aplikasyon.

Ang MAP NCR Online Application ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Ang MAP, o dating kilala bilang Individual Medical Assistance Program (IMAP), ay ang charity program ng PCSO na idinisenyo upang magkaloob ng tulong medikal para sa mga mamamayang nangangailangan ng hospital confinement, chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines.