Sinabi ni presidential aspirant Senador Panfilo "Ping" Lacson nitong Huwebes, Marso 24, na matagal na umano siyang inabandona ng Partido Reporma mula pa noong nagsimula ang campaign period.

"Matagal na nila ako in-abandon, noong nagstart yung campaign period, they are no longer present on the ground," ani Lacson sa sinabi ng mamamahayag kung makaaapekto ito sa kanyang kampanya dahil baka kulangin ang manpower. 

"Matagal na ito, may mga insinuation na rin. I'm just keeping it to myself. May mga insinuation na including kung sino yung kanilang gustong i-endorso," saad pa ng presidential aspirant. 

Ginawa niya ang pahayag na ito matapos niyang i-anunsyo ang kanyang pagbibitiw bilang chairman ng Partido Reporma.

“Today I officially announce my resignation as chairman and member of Partido ng Demokratikong Reporma, which effectively makes me an independent candidate,” aniya.

Isinagawa ni Lacson ang desisyon sa gitna ng pahayag ni Partido Reporma president Pantaleon Alvarez na may napili ng kandidatong susuportahan sa pagka-pangulo ang secretary general ng partido na si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/24/lacson-kumalas-na-sa-partido-reporma-robredo-susuportahan-ng-partido/