Nag-resign na si presidential candidate, Senator Panfilo Lacson bilang chairman ng Partido Demokratikong Reporma nitong Huwebes matapos malaman na ibang kandidato na ang napiling iendorso ng partido.

Sinabi ni Lacson na nangangahulugang independent candidate na ito sa pagka-pangulo sa May 9 National elections.

"Today I officially announce my resignation as chairman and member of Partido ng Demokratikong Reporma, which effectively makes me an independent candidate," pagdidiin ni Lacson sa isang pulong balitaan nitong Huwebes ng umaga.

Isinagawa ni Lacson ang desisyon sa gitna ng pahayag ni Partido Reporma president Pantaleon Alvarez na may napili ng kandidatong susuportahan sa pagka-pangulo ang secretary general ng partido na si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.

Si presidential aspirant Leni Robredo ang sinasabing susuportahan ng partido, gayunman, itinanggi ito ng kampo ng bise presidente.

Nilinaw din ni Lacson na wala siyang sama ng loob sa partido at hindiniya iiwan ang mga kandidato ng Reporma na na naniniwala sa kanyangadhikain.

Matatandaang naging standard bearer ng partido si Lacson, katambal si vice presidential candidate Senator Vicente "Tito" Sotto III ng Nationalist People's Coalition noong nakaraang taon kung saan umanib sa partido.