Nagulantang ang mga netizen nang makita sa naganap na Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem si Queen of All Media Kris Aquino, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, at ang kaibigang si Angel Locsin, nitong Miyerkules, Marso 24, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/">https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/

Kahit nangayayat at halatang nanghihina ay gumorabels pa rin ang Tetay at wala raw makapipigil sa kaniya, kahit ang mga doktor na pinagbawalan na siyang magtungo roon. Matatandaang nalinaw kamakailan na may erosive gastritis at gastric ulcer si Kris matapos ang ilang medical assessment sa Amerika. Sumailalim din siya sa Xolair treatment.

Ayon sa aktres, pinayagan lang siyang manatili sa rally sa loob lang ng tatlumpung minuto dahil pa rin sa kanyang kondisyon. Dagdag niya, noong Martes, Marso 21 lang niya nalaman na ngayong Miyekules gaganapin ang rally ni Robredo sa kanyang hometown.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sabi ko, ‘I’m going and nobody can stop me,’” saad niya.

“Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang tumapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat,’ dagdag ni Kris.

Tila may pasaring naman ito sa isang taong nang-iwan umano na hindi naman nabanggit sa buong pagsasalita ng aktres.

“Hindi n'yo kami iniwan. Hindi n'yo kami pinabayaan. Well at least, kayo, except for your, you know who. Pasensya na. Thank you,” ani Kris.

Sa kaniyang Instagram post, nagbigay naman ng kaniyang mensahe si Kris kalakip ang litrato nilang mag-iina. Aniya, mahalaga sa kaniyang mapuntahan ang Tarlac dahil doon unang nanilbihan ang kaniyang yumaong ama na si dating Senador Ninoy Aquino, gayundin ang kaniyang yumao na ring kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kris Aquino, Joshua, at Bimby (Screengrab mula sa IG)

"Surprise! Sa probinsya kung saan nagsimulang manilbihan sa Pilipinas ang dad (mayor ng Concepcion, Vice Governor and Governor) at ang kuya ko,- Noy served 3 straight terms (1998-2007) as Congressman ng 2nd district of Tarlac… the district where Alto (our family compound) is located, definitely kuya Josh’s HAPPY PLACE," ani Tetay.

"Maraming ninerbyos pero tinanggap na lang na hindi talaga ako magpapapigil. Paalis na po kasi, isa pang XOLAIR sa Sunday, a few days of monitoring tapos lilipad na…"

"Matagal pong nasa ibang bansa para magpatingin, sumailalim sa marami pang tests, magpa-treatment at kung kailangan mag pa treatment, kahit invasive- ready."

Giit niya, kung gusto raw ay maraming paraan.

"Di ba nga kung gusto gagawan ng lahat ng posibleng paraan?"

"Maraming salamat Tarlac! Hindi kayo nang-iwan, hindi n'yo kami kinalimutan."

Sa sortie na ito ay nagparinig umano si Kris sa isang 'ex' na nasa UniTeam, na huwag raw iboto dahil hindi marunong tumupad sa pangako. Ang tinutukoy umano ni Krissy ay si senatorial aspirant at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/

Ibinahagi rin niya na may sulat daw si P-Noy kay VP Leni na nagsasabing ito ang lubos na pinagkakatiwalaan ng pangulo na magpapatuloy ng kaniyang mga nasimulan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/p-noy-may-sulat-daw-kay-vp-leni-nang-nabasa-ko-yon-you-have-to-fight-for-her-dahil-sa-kanya-bilib-si-noy-kris/">https://balita.net.ph/2022/03/24/p-noy-may-sulat-daw-kay-vp-leni-nang-nabasa-ko-yon-you-have-to-fight-for-her-dahil-sa-kanya-bilib-si-noy-kris/

Tila may parinig naman ang kasalukuyang nobya ni Bistek na si Ruffa Gutierrez na dapat daw ay maging mabuti pa rin ang pakikitungo sa lahat, kahit sa mga 'ex'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/">https://balita.net.ph/2022/03/24/ruffa-pinaringgan-nga-ba-si-kris-be-kind-to-everyone-including-your-ex/