Nasorpresa ang lahat nang biglang bumulaga sa Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem si Queen of All Media Kris Aquino nitong Miyerkules, Marso 23, 2022, sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman at gamutan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/">https://balita.net.ph/2022/03/23/kris-aquino-sumuong-sa-rally-ng-leni-kiko-tandem-sa-tarlac-kahit-pinagbawalan-ng-doktor/

Kahit nangayayat at halatang nanghihina ay gumorabels pa rin ang Tetay at wala raw makapipigil sa kaniya, kahit ang mga doktor na pinagbawalan na siyang magpunta roon. Matatandaang nalinaw kamakailan na may erosive gastritis at gastric ulcer si Kris matapos ang ilang medical assessment sa Amerika. Sumailalim din siya sa Xolair treatment.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/kris-aquino-walang-cancer-at-tumor-ngunit-diagnosed-ng-erosive-gastritis-at-gastric-ulcer/">https://balita.net.ph/2022/03/15/kris-aquino-walang-cancer-at-tumor-ngunit-diagnosed-ng-erosive-gastritis-at-gastric-ulcer/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maririnig pa ang sigawan ng mga tagasuporta ang mga salitang, “Laban, Kris!”

Ayon sa aktres, pinayagan lang siyang manatili sa rally sa loob lang ng tatlumpung minuto dahil pa rin sa kanyang kondisyon. Dagdag niya, noong Martes, Marso 21 lang niya nalaman na ngayong Miyekules gaganapin ang rally ni Robredo sa kanyang hometown.

“Sabi ko, ‘I’m going and nobody can stop me,’” saad niya.

“Kung alam niyo lang yung nerbyos na binigay ko sa lahat, pero I said for my dad, ‘The Filipino is worth dying for.’ Para po sa akin, ang tumapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat,’ dagdag ni Kris.

Tila may pasaring naman ito sa isang taong nang-iwan umano na hindi naman nabanggit sa buong pagsasalita ng aktres.

“Hindi n'yo kami iniwan. Hindi niyo kami pinabayaan. Well at least, kayo, except for yur you know who. Pasensya na. Thank you,” ani Kris.

Pero sabi nga, Kris Aquino is Kris Aquino at gumana na naman ang kataklesahan nito, nang magpahaging siya sa isang 'ex' na kabilang sa UniTeam, na huwag raw iboto dahil hindi marunong tumupad ng pangako. Kumakalat ang video clip nito sa TikTok. Kasama niya ang kaibigang si Angel Locsin.

"Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas. Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba? Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang," sey ni Angel.

Sumingit naman si Kris, "Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch."

"Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni," natatawang pahayag naman ni Angel.

Ang gusto palang tukuyin ni Kris, ang karelasyong 'hindi umano tumutupad sa usapan o pangako'.

Aniya, "Nandito ba siya? Di ba yung isa… nasa… UniTeam? Yung ex?" sabi ni Kris na ikinahiyaw naman ng madla.

"Oh, huwag n'yong iboto 'yun ah? Sayang ang boto, dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako," dagdag pa.

Bagama't wala namang pinangalan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay si senatorial candidate at dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.

Ayon sa paglalarawan mismo ni Tetay, 'hindi perfect' ang naging ugnayan nila noon ni Bisterk, at matatandaang dalawang beses na naghain ng marriage proposal si Herbert kay Kris noong 2014 at 2017.

Huling engkuwentro nina Kris at Herbert ay noong Nobyembre 2021, matapos i-call out ng ex-fiance ni Kris na si Mel Sarmiento si Bistek dahil sa isang tweet na ginawa nito na tila pinariringgan umano si Tetay.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

"It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past," saad ni Kris sa kaniyang mahabang Instagram post.

Agad din namang humingi ng paumanhin si Herbert.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/">https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

"It was certainly inappropriate and a mistake."

"My profuse apologies to Kris.”

"Alam kong maaalagaan ka n'ya, and I can see that you're happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough."

Kamakailan lamang ay inamin na nina Herbert at Ruffa Gutierrez ang kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/18/confirmed-ruffa-gutierrez-flinex-ang-jowang-si-bistek-aprub-kaya-ni-tita-anabelle/">https://balita.net.ph/2022/03/18/confirmed-ruffa-gutierrez-flinex-ang-jowang-si-bistek-aprub-kaya-ni-tita-anabelle/

Matatandaan na unang naging laman ng balita ang relasyon ng dalawa matapos tila depensahan ni Ruffa si Bistek sa nabanggit na pagsita ni Kris kaugnay ng isang kontrobersyal na TOTGA o “the one that got away” tweet nito noong Nobyembre 2021.