Nabisto ng pulisya na lider pala ng isang criminal group ang isang Briton matapos maaresto ng pulisya, kasama ang asawa, sa reklamong pambubugbog sa Makati City nitong Marso 23.

Kinilala ni Southern Police District Director, Brigadier General Jimili Macaraeg ang dayuhan na si Darren Wall, 44, at misis na Pinoy na si Khanary Wall, 24, kapwa negosyante at pawang taga-Betterliving Subd., Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Ang dalawang suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Law of Firearm and Ammunitions in relation to Comelec Resolution No. 10728 (Gun Ban), Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Article 151 (Disobedience To a Person in Authority), Article 358 (Slander/Oral Defamation), at Grave Threats.

Dinakip ng mga pulis ang mag-asawa sa Secret Door Club, Doña Carmen, Kalayaan Avenue, Brgy. Poblacion, Makati City dakong 2:30 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Una nang nakatanggap ng reklamo ang pulisya kaugnay ng pambubugbog umano ng dayuhan sa isang John Santos, bukod pa sa pagdadala ng baril. 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang walong gramo ng 'cocaine' na nagkakahalaga ng ₱56,000, anim na pakete na naglalaman ng 'shabu' at isang 9mm pistol at 11 na bala ng naturang baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na si Wall ay pinuno criminal group na sangkot sa gun running, kidnapping, extortion at drug trafficking na kumikilos sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mag-asawa habang inihahanda ang kanilang kaso.