Nagprotesta ang mga militanteng grupo mula sa iba't ibang sektor ng lipunan sa harap ng gusali ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang igiit sa ahensya na pilitan ang pamilya Marcos na magbayad ng kanilang ₱203 estate tax.

Lumahok sa protesta ang grupo ng mga maralita, estudyante, manggagawa at kawani ng pamahalaan.

Hiniling din nila sa BIR na singilin si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa buwis nito habang nanunungkulan bilang gobernador at bise gobernador ng Ilocos Norte mula 1982-1985.

Kaugnay nito, isang grupo naman ang nagharap ng online petition upang manawagan sa BIR na magsampa ng kaso laban kay Marcos kaugnay ng estate tax ng kanyang pamilya.

Giit ni Alliance of Women for Action Towards Reform (AWARE) co-founderNarzalina Lim, bilang taxpayers ay may karapatan silang magharap ng petisyon at upang magkaroon ng pantay na pakikitungo alinsunod na rin sa batas.

“We are taxpayers and we pay our taxes regularly and faithfully, and I don’t think that the Marcoses should be exempt from the law and we are sick and tired of the lies Bongbong Marcos is saying that there is no finality yet in the settlement of this estate tax.That is a blatant lie because the Supreme Court ruled in 1997 that these estate taxes must be paid and we are just asking the BIR to do its duty. Now, sending a demand letter is not enough, now is the time to file criminal charges,” pagdidiin ni Lim sa isang panayam sa telebisyon.

Kamakailan, kinumpirma ng BIR na nagpadala na sila ng written demand sa pamilya Marcos upang bayaran na ng mga ito ang naturang buwis.