Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang isang basher na nambintang umano sa kaniya na kaya raw niya sinusuportahan ang kandidatura ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, ay upang maibalik ang ibinasurang prangkisa ng ABS-CBN, noong 2020.

Aniya, “Bakit mo naman naisip na ang aming desisyon ay nakabase lang dahil sa isang kumpanya? Oo, mahalaga sa akin ang ABS-CBN lalo na ang mga nakatrabaho ko pero ang boto ko ay para sa kung anong tingin kong makakabuti para sa ating bansa. Katulad mo, ako rin ay naghahangad ng magandang kinabukasan para sa lahat."

Inisa-isa niya ang dahilan kung bakit hindi niya iboboto ang mahigpit na katunggali ni VP Leni na si presidential aspirant Bongbong Marcos ng UniTeam, at kung ano-ano naman ang mga achievement ni VP Leni bilang pangalawang pangulo, sa loob ng anim na taon.

"Kung sasambitin ko sa iyo kung bakit hindi si Marcos ay napakaraming dahilan-at tayo ay magaaway dahil malamang ikaw naman ang hindi sasang-ayon – tulad ng hindi ko pag sangayon sa iyong mga nabanggit kay VP. Laging isa sa mga unang makarating sa area. Alam ko dahil umiikot rin ako. Alam ko kung nakakaabot ba talaga sa tao ang tulong o publicity lang.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Marami rin siyang natulungan sa edukasyon, kalusugan, atbp. Bukod sa maasahan mo siya sa oras na kailangan natin ng tulong at hindi pag eleksyon lang, sang ayon ako sa karamihan ng mga sinabi niya kaya siya ang napili ko.”

Gayunman, nagpasalamat pa rin siya sa naturang netizen.

"Pero ako’y nagpapasalamat sa iyo sa maayos mong pakikipag-usap at dahil ikaw ay nagtanong – na ibig sabihin ay bukas ka para alamin kung sino talaga ang makakatulong ng totoo sa mga Pilipino."

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Isa si Angel sa mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta kay VP Leni. Noong Marso 20 ay isa siya sa mga dumalo sa 'PasigLaban' o sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasig City.

Aniya, ipinapasa na niya ang bato ng kaniyang naging karakter na si iconic Pinoy superheroine na si 'Darna' kay VP Leni. Ngayon lamang din umano nagpakita ng buong pagsuporta si Angel sa isang presidential candidate.

May be an image of 6 people and people standing
Angel Locsin at VP Leni Robredo (Larawan mula sa FB/Angel Locsin)

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/angel-nag-fan-girling-ipinasa-na-ang-bato-ni-darna-kay-vp-leni/">https://balita.net.ph/2022/03/22/angel-nag-fan-girling-ipinasa-na-ang-bato-ni-darna-kay-vp-leni/