May mensahe ang pangalawang anak ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Kakampinks na huwag sukuan ang “hostile communities” at mahinahon na itaguyod ang kampanya ng kanyang ina sa kanila.
Sa isang mahabang post sa parehong Facebook at Instagram, nagbahagi si Tricia sa kanyang sariling karanasan sa hecklers o yung mga nakikigulo sa kanyang pangangampanya sa mga komunidad na mayroon nang buong pasya sa botohan sa Mayo 2022.
“Favorite ko talaga ang market runs at house-to-house campaigns kasi ito rin ang nakasanayan namin sa lokal nung si Papa pa yung kandidato. Mas intimate at mas nakakausap mo rin ang mga tao na mababait naman in general,” saad ni Tricia sa kanyang post nitong Miyerkules, Marso 23.
Makikita sa larawang ibinahagi ni Tricia ang pagsalubong sa kanya ng isang tagasuporta ng karibal ng kanyang ina na si Bongbong Marcos na naka-unity hand sign pa. Pag-amin niya, hindi rin siya nakaligtas sa mga pagkakataong napupunta siya sa mga desidido nang komunidad.
“Pero nung nagsimula kaming mag-ikot this year, may mga hostile communities talaga. Kung dati may paisa-isa lang na NR, ngayon may mga hecklers na. We encountered several when we made rounds right before#PasigLaban,” dagdag na salaysay ni Tricia.
Aminado rin ang doktor na nalulungkot at minsa’y naiinis siya sa mga pagkakataong ito ngunit nakiusap din siyang ‘wag sukuan ang mga nasabing komunidad.
“Admittedly, nakakalungkot at nakakainis din. Lalo na dahil crossing the line na yung iba. Some of them have already made up their minds and it’s quite futile to engage. Pero marami rin ang nananatili pang bukas makinig. Wag sana natin silang sukuan,” aniya.
Dito sunod na hinikayat ni Tricia ang mga Kakampink na suyurin maging ang mga hindi kakilala at sumama sa kampanya.
“Lumabas, makinig at subukang makiusap ng mahinahon. Medyo more than six years na ring nakakatempt mangbarda lolz but habaan pa ng kaunti ang pasensya. Be more mindful of comments that do come off as offensive and elitist. Avoid name-calling (ie bobo, bayaran). Maraming nabiktima lang din ng disinformation. Maraming hirap, kumakayod at naghahanap lang ng maiuuwi sa pamilya. Ipaglaban din natin sila,” saad ni Tricia.
“Sa susunod na 47 days (!), samahan niyo kaming mag-ikot or gawa rin kayo ng lakad with your own groups if you have extra time! Matrabaho at minsan nakakadismaya ang ganitong lakad, pero lahat ng bagay pinaghihirapan. Hataw tayo sa pag-convert sa umaga para mas dumami pa tayong makisaya sa rallies pag gabi :),” ani Tricia.